Tuesday, September 16, 2014

Tagalog Sex Stories - "HOTEL" Part 31

Part 31 O Pare Ko

Ayoko mang mapalapit muli sa aking lumang kaibigan, dala na siguro ng pagkabagot, pinili ko pa ring umalis muna sa aming construction site pag-dating ng hapon. Wala namang gaanong major step na magaganap at ang mga trabahador ay pagbabaluktot pa lamang ng bakal ang ginagawa, bukas pa kasi ulit ang susunod na pagbubuhos ng semento. Noong hapong iyon ay kasabay ang paglamig ng simoy ng hangin, sakto ito para magpainit. Sa mga ganitong panahon ay lalo kong namiss ang aking mahal na asawa, ganun din siyempre ang aking hipag na si Kat na laging naroon sa aming condo. Tumulak ako sa kapihang pinuntahan ko din kahapon, umupo sa halos dating pwesto at itinuloy ko ang aking ginagawang storya sa aking laptop.


Hindi naman nagtagal ay gaya ng inaasahan, dumating si pareng Estong. Nabigla naman ako sa aking nakita, ang maputing babae na kasama ni pareng Estong ay talagang kahanga-hanga. Ito na kaya yung sinasabi niyang "karelasyon" niyang manager ng isang kumpanya?

"pare!" sigaw pa niya sa akin.

Sumalong muli ang aking kumpare pati na rin ang babaeng maputi na parang modelo ang dating. Hindi ko ito gaanong makilatis dahil baka sabihin ni pareng Estong ay intresado ako sa babae nya.

"mukhang busy ka dyan ah? ano inom tayo?" wika niyang muli.

"di naman pare, san ba tayo iinom?" tanong ko naman.

"...di mo naman sinabi may kasama ka pala" pahabol ko pa.

"ah sorry pare, this is Marie, Marie this is architect Bogs" pakilala niya sa dalagang kasama niya.

Bilang professional, kinamayan ko ang dalaga. Malambot ang kamay niya, parang anak mayaman ika nga. Tipid ang naging balik na ngiti niya sa akin ngunit may kakaibang dating. Hindi ko na binigyan ng importansya ang dalaga, malamang ay siya nga ang sinasabi niyang manager ng isang kumpanya na pinupugaran niya. Muli kaming nagkwentuhan ng aking kumpare at nagkape, napagdesisyunan naming sa kanilang hotel na lamang kami uminom. May bar din naman sa function hall nito at casual drinking lang naman at di na gaya noong mga binata pa kami na patayan ang inuman.

"sige pare pero idadaan ko na muna sa hotel ko itong gamit ko tapos susunod na lang ako sa inyo" paalam ko naman sa kanila.

Madali naman akong nakabalik sa aming barracks, at tumungo sa hotel na sinabi sa akin ng aking kaibigan. Habang daan at ako'y nagmamaneho ay isang tawag ang aking natanggap mula sa aking telepono.

"hi Carina, kumusta?" bati ko sa dalagang tumawag sa akin.

"kuya Bogs, nagtatampo ako sayo, di mo sinabi umalis ka pala" mahina at malungkot na tinig ni Carina sa kabilang linya.

Parang nadurog naman ang aking puso sa mga daing ng kaibigan ni hipag. Si Katherine na nagtampo ay napaunlakan ko naman bago ako umalis ng Manila, pero ang kaibigan niyang si Carina ay noong isang araw pa nabitin sa akin. Hindi ko naman siya mapangakuan na babawi ako sa kanya dahil ang paglalambing ng aking hipag ay dahilan upang siya ang mauna. Tila wala yata sa ayos ang mga plano ni Carina kung ano man iyon.

"sige kuya, sa susunod nalang, na miss lang kita e" pagtatapos pa ni Carina.

Sa dami ng aking nasa isipan, ang pagtatahi ng aking mga nakaraan upang isulat ito, maging ang pagkabagot at pagkalumbay ko sa piling ng aking asawa at hipag ay nadagdagan pa sa tawag ni Carina. Siguro ay talagang may bahagi na sa aking puso ang magandang dalaga kaya ganito na lamang ang aking pag-aalala. Ang ginawa ko ay madalas ko nalang tinawagan ang dalaga upang madama nya ang kanyang importansya sa akin.

"pare dito!" tawag sa akin ni pareng Estong habang ako'y nasa telepono pa rin at kausap si Carina.

"Carina mamaya na ulit ha? may meeting na ako e, ingat ka dyan" paalam ko pa sa aking kausap sa cellphone.

Consistent ang kasama ni pareng Estong, mukhang malambing pero hindi mo kakakitaan ng asal na pokpukin. Nasa likod kasi ng aking isipan na hindi ako naniniwalang siya nga ang babaeng tinutukoy ni pareng Estong nang sabihin niyang may karelasyon na siyang seryoso. May duda pa rin ako kaya't isa ito sa aking layunin noong tagpong iyon.

"o pare, order na tayo?" alok pa ng aking pare.

"sige kayo, gusto ko yata ng hard drinks, malamig e" suhestyon ko pa.

Umorder kaagad si pareng Estong ng Jose Cuervo, isang tanyag na brand ng alak na tequila. Mahusay ang pinili ni pareng Estong dahil tiyak na mag-iinit ang aming katawan dito. Umorder din kami ng sizzling sisig at cold salad para sa pulutan. Una ay puro tungkol sa aming industriya ang aming paksa ng usapan, nahalata kong walang kibo ang kasama niyang si Marie. Hindi ko alam kung dala ng epekto ng alak ngunit habang tumatagal sa ilang pagsulyap ko sa dalagang kasama ni pareng Estong ay lalo itong gumaganda. Kung aking ihahalintulad sa isang artista ay may hawig siya kay Lindsay Lohan noong kanyang kabataan at hindi pa lulong sa droga.

"so taga saan ka nga pala Marie?" tanong ko sa kasama niya nang magbanyo ang aking kaibigan.

Sinubukan kong mangalap ng ilang impormasyon dahil talagang ako‎'y naiintriga sa dalaga. Sumagot naman siya ilang saglit matapos itagay ang isang shot ng tequila.

"ah dito lang din, dyan sa may Silang, pero dito ako nagtatrabaho sa Tagaytay" sagot ng dalaga.

"...san dito?" pahabol na tanong ko.

"uhm actually my mom owns a franchise of a resto-bar, i do accounting there and sometimes attend to the customers" pahabol naman din nya.

Hindi ko na sinundan pa ang aking mga tanong, dumating na din kasi ulit si pareng Estong. Pero sapat na ang aking nalaman sa kanya upang matugunan ang aking katanungan sa aking isipan - hindi siya ang babaeng karelasyon talaga ni pareng Estong.

"enjoying Marie?" pambobola pa ng aking kaibigan sa dalaga.

Matinik pa rin si pareng Estong, anak mayaman at mala-artista pa ang nadagit niya. Naalala ko tuloy noong kami ay nasa iisang apartment pa, kung paano niya tinangkang sulutin sa aking ang aking ex-girlfriend. Sa tama na rin siguro ng alak, nabasag na ang katahimikan ng kanyang kasamang babae. Nagsimula na itong magsalita at magkwento ng kung anu-ano. Balewala naman ito sa aking kaibigan, alam ko naman kasi ang kanyang layunin sa dalaga. Sinubukan kong tumira ng isang linya upang alamin kung "game" ba itong babaeng nadagit ng aking kaibigan.

"ang alam ko sa tequila mas masarap ito kapag body shots diba?" wika ko sa kanila.

Nagtinginan ang dalawa, hinihintay ko kasi kung gagawin nila ang aking suhestyon tutal sila lang naman ang magkapareha at ako‎'y sabit lamang.

"ano ka ba pare, nasa public place tayo haha!" sagot ni Estong.

"we could continue sa room mo sa taas?" sabi naman ni Marie.

Hindi na ako nabigla sa suhestyon ni Marie kay pareng Estong. Alam ko namang liberated din ang babaeng kasama niya, anak mayaman, may ari ng resto-bar, tiyak na sanay ito sa night life at sa mga six related activities. 

"mamaya na beh, nandito pa ang kaibigan ko o?" sagot naman ni pareng Estong na halatang nalilibugan na sa kanyang kapareha.

"edi isama na natin siya?" wikang muli ni Marie.

Naging maganda sa aking pandinig ang sinabing iyon ni Marie, halatang lumantad na din kasi ang kanyang tunay na kulay, tunay na may angking libog din ang dalaga. Ngunit bago pa man ako pumayag ay ako‎'y napaisip, kapag sumama ako sa kanila, tiyak na hindi ko na mapipigilang muli ang aking sarili. May dating naman talaga itong si Marie, ang angking makinis na kutis at medyo may kalakihang suso niya ay talagang nakakalibog din.

"ah no thanks guys, after a few shots babalik na din ako sa hotel ko para makapagsarili na din kayo" wika at pagtanggi ko sa kanila.

Kahit na ang babaeng kasama ni pareng Estong na mismo ang nagbibigay ng motibo ay pinili ko pa rin umiwas. Kung sakaling mapagsaluhan man naming dalawa ng aking kaibigan ang dalaga ay tiyak na may kapalit ito para sa kanya. Tulad ng aking sinabi sa aking sarili, hindi ko na papayagan pang makapasok muli sa aking buhay ang aking matagal nang kaibigan. Alam ko ang kakayahan ng aking kumpare, ang kamandag ng isang manyak ay hindi kumukupas. Napatunayan ko na ito noon pa man, mula sa kolehiyo hanggang sa unang mga taon ng aming pagtatrabaho.

"sure ka pare?" tanong pa ni pareng Estong.

"oo pare ok lang ako, uminit naman na ang katawan ko dito sa alak, ayos na ako" paliwanag ko pa. Nasa mga mata din naman niya ang pagkatuwa na hindi ako sasama, ngunit ang kasama niyang babae ang talagang libog na libog na.

Mga ilang tagay pa ang aking nainom bago ako magdesisyong lumisan na. Baka kapag magtagal pa ako ay tamaan pa ako ng libog na hindi tama. Sa lamig ng klima sa Tagaytay ay hindi akmang wala kang kasama sa kama, lalo pa't nasanay akong may kapiling kapag ganitong malamig ang hangin. Nagpaalam ako sa kanila na ako'y aalis na, nagpalusot nalang ako na baka maaksidente pa ako kapag nasobrahan sa kalasingan.

"doon ka nalang kasi matulog sa kanila" suhestyon pa ni Marie pero hindi ko na ito pinatulan.

"o pare pano, aalis na ako enjoy nalang kayo" paalam ko sa kanya.

"sige pare, ingat na rin sa pagmamaneho" sagot niya.

Kahit paano'y parang nabitin ako, nabitin sa init ng katawan na may halong kalibugan. Pero sa isang banda'y tama lang ang aking naging desisyon, ang iwasan na talaga ang aking kaibigan.

Naging matiwasay naman ang aking pagmamaneho at nakabalik na din sa aming barracks. Sinubukan kong ituloy ang aking ginagawang kwento sa aking laptop dahil sa mga ilang alaala na muling nanumbalik nang aking makasamang muli si pareng Estong. Pinili kong maging bahagi na din siya sa aking kwento dahil sa itinuring ko din siyang aking guro. Ilang minuto ko lang naharap ang aking kwento, dahil sa hilo epekto ng tequila ay hindi ko na makita ang mga letra kaya nilubayan ko na rin ito at nagpahinga na sa aking kama. Parang di ako sanay ng ganito, malamig ang panahon, may tama ng alak pero mag-isa naman. Sinubukan kong tawagan ang aking asawa upang maibsan ang aking pagkalungkot ngunit hindi ito tumagal ng ilang minuto dahil papasok na din siya sa trabaho. Ganun din naman si Katherine na pauwi pa lamang.

"hello? kumusta kana?" wika ko kay Carina.

Si Carina na lamang ang aking muling tinawagan. Halos ma-lowbat ang aking telepono sa tagal naming nag-usap. Pinalibog at pinasabik ko siya ng husto, halos mag six-on-phone kami. Nagkaroon ng plano ang dalaga, hindi na daw niya kayang magtiis pa at gusto na niyang may makatalik na.



itutuloy

No comments:

Post a Comment