Friday, February 13, 2015

Tagalog Sex Stories - "Pagbangon" Part 9

Nagising ako sa marahang tapik sa pisngi ko. Nakapatong pa rin at nakayakap sa akin si Chelle, tulog na tulog. "Kuya uwi na ako. Alas otso na eh. Nakaluto na ako, kumain na lang kayo diyan pagbangon niyo." Ang mahinang sabi ng kapatid ko dahil ayaw niyang maistorbo sa pagtulog si Chelle. 

Pagkaalis ng kapatid ko ay muli akong nakatulog. Naalimpungatan na lang ako dahil sa sarap na nararamdaman ko sa aking ut*n. Si Chelle, subo- subo nya ang aking kahabaan habang sinasalsal ang bandang baba nito. Maya maya ay paiikutan ng dila ang ulo tapos subo ulit. 

"Oohhhhh.....ahhhh... ..." Napaungol ako sa sarap. 

Nilabasan ako sa bibig niya at nakita kong para syang masusuka, dali-dali syang tumakbo sa banyo na agad ko namang sinundan. Nangingilid ang kanyang luha na tumatawa. 

"Bakit hindi ka nagwarning na lalabas na nabulunan ako eh." Sabi nyang yumakap sa akin. 

"Sorry, anong lasa?" Ang sagot ko sabay tanong sa kanya. 

"Maalat na mapakla lasang ewan, lasang nakaka- L." Ang sagot niya sa akin. 

Inakbayan ko sya at lumabas na kami sa banyo. "Bat mo ginawa yon?" Tanong ko muli sa kanya. Pilya syang ngumiti sabay sabing "practice makes perfect. Gusto ko kasing maligayahan ka sa akin at syempre gusto ko sana sa akin ka lang maligayahan kaya gagawin ko lahat." Ang sabi nyang puno ng pagmamahal. 

"Maligaya naman ako sayo ah. Makita nga lang kita maligaya na ako. Saka ikaw lang po ang mahal ko kaya ikaw lang ang kaligayahan ko. Ikaw lang pwedeng magbigay ng kumpletong ligaya sa akin." Paliwanag ko sa kanya sabay pisil sa ilong niyang matangos. 

"Basta gusto ko masasatisfy ka sa akin kaya bayaan mo na ako. Enjoy din naman akong isubo yang malaking titi mong iyan. Hihihi." Ang pilya nyang sabi. 

"Kain na tayo hindi ako nabusog sa sperm mo. Iniluwa ko kasi muntik akong mabulunan." Sabi nyang tumatawa sa akin. 

"Angel pasyal tayo sa bahay tuloy bigay natin kay Liza yong resibo ng gown nila para matahimik na yong kalooban niya." Ang sabi nya sa akin pagkakain namin ng late breakfast. 

Bandang alas diyes ay pumunta na kami sa kanila. Naabutan namin ang kanyang ate na nakikipag-usap sa kanilang mga magulang. Nagmagandang umaga ako sa kanila sabay mano sa magulang niya. 

"Ikaw ba ang magiging bayaw ko?" Ang tanong niyang parang nang-uuri na sinagot ko naman. 

"Ako po si Richard." Sabay kinamayan ko sya na nakatitig pa rin sa akin. 

"Ako naman si Roda. So ikakasal pala kayo ng kapatid ko? Chelle, halika.” Ang tawag niya sa kapatid niya.  

"Um bakit ate, anything that occupy space and has mass?" Ang tanong ni Chelle sa ate niya. Hindi ko kilala ang ate ni Chelle dahil ngayon  ko lang din naman ito nakita. Nakatira sila kasi sa Nova QC. 

"Ikaw hindi mo man lang ako ipinakilala sa boyfriend mo. May plano ka bang imbitahan ako?"  Ang sabi nitong hindi naman galit. 

"Ha, wala sana hehehe, joke oo naman te. Naghahanda pa lang naman kami ah. Wala pa nga kami nauumpisahan eh. Saka ang layo mo naman kasi. Buti nakaalala ka? Himala yata o may problema ka ano?" Ang mahabang litanya ni Chelle sa ate nya. 

"Hay , oo nga eh. Nagpunta nga ako dito kasi mag-aabroad si kuya mo, na lang sana, dahil nawalan sya ng trabaho. At isa pa hindi naman kami umaasenso sa kakarampot na sweldo sa dating trabaho nya. Alam ko namang may trabaho ka, kung sana pwede mo akong pahiramin kahit babayaran ko din pag nakaalis na si kuya mo." Ang tila nahihiyang sabi nito sa kapatid. 

"Naku paano ba yan ate kailangan naman namin ng pera. Alam mo naman ikakasal ako. Siguro limang libo pero higit pa dun wala na ate. Pasensya na ha."

"Ano ka ba? Okay lang yun noh. Dapat nga ako yong magbibigay sayo ngayon para sa kasal niyo, pero nataong gipit kami. Guwapo boyfriend mo ah. Sandali, makilatis nga." Lumapit sa akin at parang nang- aakit na umiikot sa akin habang nakahawak sa akin. 

Maya-maya pa biglang dumikit sa akin at shit dumikit din ang kanyang s*s* sa aking braso. Maganda rin ang ate ni Chelle nga lang wala na ang pigura ng katawan nito. Biglang hinila ni Chelle ang ate niya sa buhok nito. 

"Aray ko naman Chelle. Sinusubukan ko lang ang boyfriend mo kung bibigay."

"Ate akin lang yan at sa akin lang bibigay yan. Ate ha kahit mas matanda ka sa akin mas malaki ako sayo. Kakalbuhin kita ewan lang kung tanggapin ka ng asawa mo." Pumunta ako sa kusina para hayaan silang magharutan na dalawa. Naabutan ko doon ang nanay niya na naghahanda ng mailuluto sa tanghalian. 

"Nay tulungan ko na po kayo." Ang sabi ko na agad naman niyang sinang- ayunan. 

Pinuputol-putol ko ang sitaw ng magsalita siya. "Alam mo Ace anak naaawa ako jan sa ate niyong iyan. Matigas kasi ang ulo, ayon hindi pa nakakatapos nabuntis na. Limang sunud-sunod na ang anak. Wala namang matinong trabaho ang asawa dahil ala ring natapos. Minsan janitor minsan helper hanggang maging taxi driver. Tapos kung gumawa ng anak akala mo eh kayang buhayin lahat. Ayan kung may problema si Chelle ang tinatakbuhan, nahihiyang lumapit sa kuya niya dahil masungit daw yong hipag nya." Lumuluhang kwento ng biyenan ko. Hindi ako nagsalita at hinayaan ko lang siyang magkuwento. 

"Alam mo naaawa na rin ako kay Chelle,  hindi nakakaipon dahil hindi nya matiis ang ate niya. Likas kasing maawain yang si Chelle. Kakaiba ang ugali sa kanilang magkakapatid. Nagpasalamat nga ako sayo dahil pakakasalan mo sya. Hiling ko lang sana anak, hindi sya matulad sa ate niya. Pero sa nakikita ko naman sayo masikap ka at sabi nga ng mama ni May, wala daw kaming dapat ipangamba dahil nasa mabuting kamay daw ang anak namin. Sana lang anak ha." Ang pakiusap sa akin ng biyenan ko. 

"Hindi ko naman po maipapangako na magiging mayaman kami o anu pa man. Pero alam ko po ayaw kong nakikita na nahihirapan ang taong mahal ko. Lumaki po akong mahirap pero ayaw ko naman po na pati magiging mga anak ko mahirap pa rin. Kaya kahit po gumapang ako basta makita kong maligaya si Rochelle gagawin ko po, hindi po dahil sa kayo ang nanay niya kung bakit ko to nasasabi kundi dahil mahal na mahal ko po siya." Totoo sa damdaming sabi ko dahil yon ang totoo. 

Hindi ko alam na nasa likod ko na pala si Chelle at narinig ang mga sinabi ko dahilan para yakapin nya ako at isandal ang ulo nya sa likod ko. Nakita ko namang natutuwa ang nanay niya pati na rin ang ate niyang narinig din ang lahat. 

"Nay, ate, punta lang kami sandali kina Liza baka dun na kami makikain may importante lang kaming pag- uusapan." Ang paalam ni Chelle at umalis kaming magkahawak kamay. 

Naglakad lang kaming pumunta doon. Pagdating namin ay tamang- tama naman na nandun ang dalawa na parang problemadong- problemado dahil hindi mo maipinta ang mga mukha nila. 

"Hoy, may ano ba dito at para kayong natalo sa sweepstake hindi naman kayo tumataya." Ang biglang sabi ni Chelle dahilan para matauhan ang dalawa. 

"Ang ganda mo naman kung makasigaw ka. Ano, 19 days na lang wala pa kaming pera, wala pa kaming damit. Anong gagawin namin? Wala naman kaming mahiraman kasi." Ang paliwanag ni Liza na mangiyak- ngiyak na. 

Hindi naman umiimik si Dado na halatang malalim ang iniisip. Kayat tinapik ko sya sa balikat na parang sinasabi kong kaya mo yan tol. 

"Nagsabi na ba kayo kay Queenie? Mayaman yon malaki sweldo ni Vince sa Taiwan." Tanong naman ni Chelle. 

"Nagbigay na nga pati si Jonathan. Kulang pa rin talaga,napaka wrong timing ng kasal namin yata. Anong gagawin namin?" At tuluyan na ngang umiyak ito sa balikat ni Chelle. 

"Bakit nyo kasi binabalikat lahat ng gastos?" Ang tanong ni Chelle. 

"Alam mo namang walang trabaho si tatay kundi mangisda. Magulang ni Dado ganun din." Ang sagot naman agad nito. 

Ang hindi ko maintindihan sa dalawang ito nagplano ng ganung klase ng kasal na hindi nakahanda at hindi kaya. Ang hirap talagang arukin ang mindset ng pinoy. Hindi ko maintindihan para lang may masabi kahit nahihirapan na sige pa rin. Kaya maraming mahirap eh at lalo pang dumadami dahil sa ugaling ganito. Naaawa ako syempre dahil mga tunay na kaibigan ko sila pero limitado din naman ang pwede kong itulong dahil may sariling problema din kami at mayroon pa nga sa ate ni Chelle. 

"O sige ito ha, idideliver nila ito two days before ng kasal niyo tapos kayo na ang magsasauli after. Kumpleto na yan pati sa mga flower girls, ayan naka-specify diyan. O ito pa ten thousand yan, naku bruha ka kundi lang kita mahal titiisin talaga kita." Biglang niyakap ni Liza si Chelle na umiiyak pa rin. Nakahinga naman ng maluwag si Dado. 

"Salamat Chelle ha. The best ka talaga." Ang sabi ni Liza na agad binara ni Chelle. 

"Tumigil ka na diyan lalo ka lang pumapangit, ikakasal ka pa naman. Saka huwag kang magpasalamat, yong damit share namin yon, pero yong pera babayaran niyo yan, ikakasal din kami. Sige na uwi na kami para makapag-usap kayo ng maayos hindi yong minumukmukan niyo ang problema niyo. Makikikain pa naman sana kami."


"Doon tayo kina Queenie. Baka masarap ang ulam doon." Ang sabi niya dahil malapit lang ang bahay nila Queenie. 

Alam kong mabigat ang dinadala niyang problema dahil nararamdaman ko ito. Ganun yata talaga pag mahal mo ang isang tao ramdam mo sya, alam mo yong kalagayan niya na kahit hindi nya sabihin. Well sa case ngayon ni Chelle obvious naman dahil kay Liza at kay ate niya. 

"Queen, makikikain kami ha. Wala na kaming pambili ng bigas." Ang deretso naming pasok ay sa kusina agad. 

"Ay galing niyong tumiming katatapos ko lang magluto ng ulam. Saglit lang maghahain ako." Umupo na kami agad habang naghahain si Queenie ng sinigang na baboy at gulay. 

"Oi Chelle, anong problema niyo? Halatang-halata ka o. Ace di pa kayo kasal binibigyan mo na to ng problema."

"Tanga ligaya at sarap lang binibigay sa akin nito. Si Ate at si Liza." Sabi ni Chelle habang naglalagay ng kanin sa plato ko. 

"Ate, na naman.  Ngayon, bakit si Liza?" Ang tanong ni Queenie na parang imbistigador kung makatanong. At isinalaysay nya kay Queenie lahat samantalang kumakain lang akong nakikinig sa kanila. 

"Ewan ko nga ba sa dalawang iyan. Saka binigyan ko na si Liza ng ten ah. Hay naku ewan. Yaan mo sabihin ko kay Vincent tulungang mag- abroad si Dado para umayos ang buhay nila. Hindi naman pwedeng laging ganyan noh. Ace ano bang gagawin natin sa dalawang iyon?” 

"Wala tayong magagawa doon. Noon pa kasi easy go lucky na yang dalawang yan. Ewan ko lang ha pero kayo ang matagal na magkakasama. Pero try kong kausapin si Dado pagkatapos ng kasal nila. Baka sakaling makinig." Sana lang makinig. 

Mahirap kasing pilitin ang isang tao na gawin ang isang bagay kung ayaw niyang gawin. Pareho lang naman kami ni Dado ng kalagayan pero mas nagsisikap kasi ako at hindi ko pinalalampas kapag may oportunidad ako. Parang noong nag- aaral kami. Wala kaming pambili ng uniform sa PE sabay kaming nagplanong mangutang kay Vincent pero ako ginawan ko muna ng paraan, nagtrabaho ako para sa uniform  na iyon.

"So whats with ate Roda again?"Ang muling tanong ni Queenie. 

"Ayon nangungutang ng pera para daw pang-abroad ng bayaw ko. Babayaran din daw. Hay naku kulang na lang sa kanila mapunta lahat ng sweldo ko. Kahit piso walang bumabalik kesyo dalaga naman daw ako, hindi ko naman daw kailangan. Ngayon ayan na naman. Kaya sinabi kong wala akong maibibigay. Ayon okay naman naintindihan niya."

"Naku magtapat ka nga sa akin okay na pero hindi mo ulit matitiis kaya mamaya bibigyan mo din. Kilala kita tanga. Wag mo nga akong paikutin."

"Noon yon iba na ngayon siyempre may pamilya na ako ano. Baka nga bukas mabuntis na ako. Kaya tapos na ang  tungkulin ko na dapat eh wala naman sa kanila. Promise Queen ayaw ko na, may pamilya na akong sarili."

"Ano bang trabaho ng bayaw mo ngayon?"

"Nagta-taxi, tapos kapag nakabili ng ilang kilong bigas at ulam tigil. Babalik pag ubos na yong bigas. Alam mo ang papayat ng mga pamangkin ko mas mataba pa yang uten ni Ace kaysa sa mga braso nila."

"Halps, Chelle pa extra naman one night lang magbabayad ako." Natatawang sabi ni Queenie na agad binatukan ni Chelle. 

"Gaga ka talaga sumbong kita kay Vince. Akin lang yun noh."

"Hahaha ayan di ngumiti ka biro lang yon ano kaba. Satisfy kaya ako kay Vince. Pakita nga Ace."

"Bruha ka talaga uhm." Binatukan ulit sya ni Chelle at nagbatukan silang dalawa. 

Masaya ang kinalabasan ng lunch namin. Alas dos ng magpaalam kami para bumalik sa bahay nila. Pagdating namin doon ay nandoon silang lahat. 

"May meeting, bakit?" Ang tanong ni Chelle na nagtataka. 

"Oo anak kailangan nating mag- usap-usap dahil sa ate mo." Ang sabi ng kanilang tatay na parang nagpapaalam sa akin sa klase ng tingin nya. 

"Sige Angel sunduin na lang kita bukas ha. Darating kasi ngayon yong magaayos ng cable tv. Kaya need umuwi."

"Okay ka lang Angel ha? Wag mo na akong sunduin bukas magko- commute ako dahil dadalhin ko mga gamit ko dun ha. I love you, humalik sya sa lips ko ng mga one minute sa harap ng pamilya bago ako nagpaalam sa kanila."

"Hello beautiful bigyan mo nga ako ng beer na apat diyan." Ang sabi ko kay Jennise na seksing-seksi sa suot na shorts at fit na sandong pambabae. 

"Ang unti naman yata?" Ang tanong niya sa akin habang iniaabot ang apat na bote ng beer. Nahawakan ko ang kamay niya na malambot at biniro nya ako. 

"Tsansingero. Wala ba si misis? Bukas darating may importanteng gagawin sa kanila eh." Ang paliwanag ko na nagpangiti ng pilya sa kanya. 

"Ah kaya pala nanantsansing ka, wawa ka naman tigang mamayang gabi." Sandali lang naman natapos yong connection namin sa catv. 

Inabutan ko ng tip yong technician at isang boteng beer e masaya na sya. Kasi may sweldo naman sila at kasama sa trabaho nila yong installation sa mga costumer. Isang bote lang naman ang kaya nyang ubusin dahil bawal daw sa kanila pinagbigyan lang daw nya ako. Kaya inubos ko na lang lahat ang tatlong bote at parang bitin sa akin kaya lumipat ako sa tindahan ni Jennise. 

"Dalawang beer pa nga Jennise kulang eh. Bigyan mo na rin ako ng kahit anong pwedeng mapulutan diyan." Ang dalawang beer na inorder ko ay naging apat. Naging anim hanggang abutin na ako ng alas nuebe ng gabi. 

Umuwi akong pasuray-suray. Dumiretso ako sa kusina dahil nagugutom ako ngunit walang nalutong pagkain. Shit matutulog akong gutom nito. Ayaw ko namang maghanap ng makakainan diyan dahil baka mapahamak pa ako lalo’t lasing ako. Nagtoothbrush ako at naghilamos sabay pinilit kong sumuka  upang mabawasan ang aking pagkalasing. Maya- maya ay nakarinig ako ng katok sa pinto. Wala naman akong inaasahan na bisita dahil wala naman akong kakilala pa dito. 

"Hi, heto o dinalhan kita ng pagkain alam kong hindi ka pa kumakain. Mahirap matulog ng gutom." Napakaseksi ng babaeng ito sa kanyang suot na shorts na halos litaw ang pisngi ng puwet at fit na blouse na nag-eemphasized ng kanyang mayamang dibdib. 

Nagpasalamat ako at sinabing ang bait mo naman. Ngunit iba ang isinagot nya sa akin. Isang mainit na halik na tumutupok sa aking pagtitimpi. Ginantihan ko sya ng halik at para kaming gutom na gutom na naghalikan na halos tumagal ng apat na minuto. Naghihiwalay lamang kung sasagap kami ng hangin at muli kaming magkukuyumusan ng malalim na french kiss hanang magkayakap ng mahigpit. Nilamas ko ang kanyang dibdib sa loob ng kanyang damit at natuklasan kong wala syang suot na bra dahil bare skin at naninigas na nipple ang aking nadama. 

"Aahhhhhhhhhhhhhhh... .." Ang ungol nyang mahaba habang nilalapirot ko ang kanyang magkabilang nipples. Bigla syang umupo at ibinaba ang aking shorts at sinalsal ang aking kahabaan. 

"Oohhhhhhhhhhhhhhhh.. ....." Ang aking sigaw dahil sa sarap na aking nadarama. Bigla nyang isinubo ang aking kahabaan at ramdam ko ang init ng kanyang bibig na sumisipsip sa ulo ng aking ut*n. 

"Practice  makes perfect. Gusto ko kasing maligayahan ka sa akin at gusto ko sana sa akin ka lang maligayahan kaya gagawin ko lahat."

"Basta gusto ko masasatisfy ka sa akin kaya bayaan mo na ako. Enjoy din naman akong isubo yang malaking titi mong iyan." Biglang parang narinig ko ang tinig ni Chelle dahilan para magising ako. Itinayo ko sya at hinawakan sa balikat. 

"Sorry Jennise hindi ko to magagawa. Ayaw kong magtaksil sa asawa ko. Naranasan ko ng mapagtaksilan at sobrang hirap at sakit nun. Mahal na mahal ko ang asawa ko kaya sorry talaga."

"Alam mo hanga ako sayo. Ang swerte ng asawa mo sana ako na lang nasa katayuan nya. Sige at salamat din." Alam kong napahiya sya ngunit marunong syang magdala kaya parang okay lang din. 

Kumain ako at nahiga pagkatapos. Umusal ng tawad dahil muntikan na akong magkasala kay Chelle na mahal na mahal ako at nagtitiwala sa akin. Dahil sa kalasingan ko kagabi ay hindi ako nakagising ng maaga. 

"Angel gising ka na please. Angel gising ka na please tulungan mo ako Angel." Ha si Chelle dumating na pala agad akong bumangon para tignan sya. Asan kaya yon kanina ginigising lang niya ako ah? Tanong kong naguguluhan sa aking sarili. Baka panaginip lang pero hindi nararamdaman ko pa rin ang paghawak niya sa balikat ko. 

Tumingin ako sa orasan at alas otso y media na pala. Mamaya na ako kakain sabay na lang kami. Padating na siguro yon. Nagluto ako agad para tamang-tama pagdating ni Chelle. Ngunit hindi pa ako nakakaluto ay may kumakatok na sa pinto. 

"Oi, May pasok ka, anong balita bakit parang galing ka sa pag-iyak?" at mas lalo pa syang humagulhol dahil sa sinabi ko. 

"Kuya si Ate Chelle nasa ospital nabunggo ng jeep yong sinasakyan nyang tricycle at hindi pa sya nagigising ngayon."

"Ano wag mo akong biruin ng ganyan, May tatamaan ka sa akin. Halos malagot ang litid ko sa leeg sa galit ko sa sinabi ni May. 

"Kuya kailangan nating pumunta doon. Halika ka na please." Hindi na ako nagbihis pa dali-dali kaming pumunta sa ospital ni May at naabutan namin doon ang barkada, si nanay niya, pati si ate niya na lahat umiiyak. 

Hindi ko mapigilang ang luhang umagos mula sa aking mga mata. Nilapitan ako ni Jonathan at Dado at niyakap nila ako pati si Queenie at Liza. Sinalaysay nila ang nangyari. Magdadalawang oras na daw at hindi pa sya nagigising. Nabagok ang kanyang ulo na tumama sa bakal sa tricycle. Namatay ang driver ng tricycle pati yong isang pasahero na nakaupo sa likod ng driver. 

Nakakulong na daw yong driver ng jeep na anak pala mismo ng may- ari ng Jeep. Hindi daw nila ako nasabihan agad dahil hindi nila alam ang apartment namin. Buti na lang daw at naalala ni May na nabanggit daw sa kanya ni Chelle noong namalengke sila noong isang araw. Gusto ko na syang makita at yakapin pero hindi pa rin lumalabas ang doctor na tumitingin sa kalagayan nya. Ilang sandali pa at lumabas na ang doctor. 

"Sino ho ang pamilya ng pasyente." Lumapit silang lahat at nahuli ako sa paglapit. 

"Misis kailangan po natin ng malaking halaga para po maoperahan sa ulo ang anak niyo dahil may namuong dugo sa kanyang ulo.  Sanhi ng pagkakabagok nito. Lumalaban ang pasyente ngunit kung hindi po maagapan ay maaaring ikasama ng kanyang kalagayan o maaaring ikasawi niya. Maghanda po kayo agad ng one hundred thousand para maoperahan na sya agad."

"Diyos ko saan namin kukunin ang ganyang kalaking halaga ngayon."

"Doc ako po ang asawa nya operahan nyo na po sya at babalik po ako dala ang pera within twenty minutes." Agad akong umalis ng walang paalam nagwithdraw sa bangko at agad kong idineposito ang halaga sa ospital. 

"Ito lang po ba ang halagang kakailanganin?" Ang tanong ko sa cashier ng hospital. 

"Naku hindi pa po may mga babayaran pa po kayo, tapos mga gamot pa na hindi available sa botika ng hospital ay kailangan pong bilhin sa labas." Ayos lang naman kahit maubos ang ipon ko basta ang mahalaga gumaling agad si Chelle. Dahil aanhin ko naman ang pera kung malungkot nama ako. Hapon na ng tapikin ako ni Jonathan sa balikat. 

"Tol halika kain ka muna jan lang sa labas tol. Hindi ka pa kumakain eh."

"Sige tol nagluto ako ng agahan at hinihintay kong dumating si Chelle para sabay kaming kumain kaya hihintayin ko pa din sya tol na magising para sabay kaming kumain." Hindi nila ako napilit dahil talagang ayaw ko.

1 comment: