Part 56 Business Pakner
"samantala, kapapasok lamang pong balita, hindi po kalayuan sa ating news center ay may natagpuang patay po na lalaki sa loob mismo ng isang coffee shop...Gus Abelgas, ano nangyari dyan?" ani Noli De Castro.
"tama kabayan, isa na namang karumal-dumal na krimen ang naganap, sa pagkakataong ito ay dito mismo sa loob ng isang coffee shop binaril umano ang isang negosyante ng kanyang kausap mismo ayon sa mga naka-saksi..." wika ng tagapag-ulat.
"mataba po, intsik at mukhang mayaman...hindi naman po sila nag-aaway, parang nag-uusap lang, nabigla na lang din po kami nung bumunot yung intsik tapos yun harapan po binaril" paliwanag ng isang saksi na barista din mismo sa naturang kapihan.
Tumigil ang mundo ni Pola, nag-dilim ang kanyang paligid at unti-unting dumaloy ang kanyang luha. Nang ipakita ang pangalan ng nabaril sa telebisyon ay tuluyang humagulgol ang dalaga, naglaho ang lumiliwanag na sanang kinabukasan ng mag-ina. Ilang saglit pa makalipas ang report sa balita ay tumunog na ang kanyang telepono. Hindi halos makausap ng pulis ang dalaga, halos maubos na kasi ang likido sa kanyang katawan upang ilabas sa kanyang namumugtong mga mata.
Kaagad nagtungo si Pola sa kanilang silid matapos ang ilang minutong pananatili, naroon ang kanyang yaya kasama ang anak nila ni Aeron. Kinuha niya ito at niyakap, ipinadama sa bata ang pagmamahal ng isang ina. Nagtaka si yaya, hindi kasi madalas gawin ito ni Pola, tantsa niya ay mayroong problema.
"ma-ma'am? ok lang po kayo?" tanong ni yaya nang mapansing muling tumulo ang kanyang mga luha.
"ya...yaya...huhuhu...wala na si Aeron...huhuhu" wika ni Pola.
Doo't magkatuwang na pinagluksa ng dalawa ang pagkamatay ni Aeron, kahit pa alipin lamang si yaya ay parang kapamilya na din ang turing sa kanya ng kanyang among binata. Kahit pa noo'y nagpa-tsupa sa kanya si Aeron, wala iyon kumpara sa madaming tulong sa kanya ng kinakasama ni Pola.
Magdamag tulala si Pola, tinawagan din siya ng abugado ni Aeron. Sinabi nitong huwag na munang bumisita sa punenarya dahil tiyak na hindi niya masisikmura ang itsura ng kapareha.
"madam, ako na po ang bahala, aasikasuhin ko na din po ang pagbuburulan ni sir Aeron" wika ng abugado ni Aeron.
Matindi ang pinsalang natamo ni Aeron, hindi mo iisiping dating katuwang niya sa negosyo ang makagagawa nito. Parang isang adik at wala sa tamang pag-iisip ang gumawa ng tama ng isang bala sa ibaba ng kanyang kaliwang mata, malapitan, tutukan at kitang-kita pa ang bakas ng pulbura sa mukha ng binata.
Kinabukasa'y nagtungo ang abugado sa condo nila Pola, siya na mismo ang sumundo sa dalaga dahil alam din nitong wala itong ibang kasama at batay na din sa bilin ni Aeron.
"madam, handa na po kayo?" wika ng abugado.
"yaya, tara" wika naman ni Pola.
Hindi alam ni Pola kung ano ang kanyang madarama, nanatiling tulala sa loob ng sasakyan ng abugadong sumundo sa kanila. Malalim ang iniisip, litong-lito sa biglaang pangyayari. Papasok pa lang sa parking area ng isang tanyag na punenarya sa Araneta ay muli na namang tumulo ang kanyang mga luha.
Bumukas ang pintuan ng chapel, halos sabay-sabay lumingon ang mga taong naroroon. Kamag-anak, kaibigan, mga empleyado, at mga kasosyo sa negosyo. Bulungan, hindi alam ni Pola kung ano ang mga sinasabi ng mga tao sa loob, diretso ang kanyang tingin, sa pulang carpet na sa dulo'y ang kahon na kinahihimlayan ng namayapang si Aeron. Lalo pang humagulgol si Pola nang kanyang maalala ang isa pang naiwang pangako ni Aeron, ang maglakad sana siya sa altar na ngayo'y sa halip ay sa burol ng kanyang minamahal.
Sarado ang kabaong, hindi kasi kanais-nais kung ito'y bubuksan dahil sa nasira ang pisngi ni Aeron sa tama ng bala. Niyakap ng dalaga ang kulay tansong kahon at doo'y muling humagulgol.
"hija, ikaw ba si Pola?" tanong ng isang babae sa kanyang likuran.
"o-opo...ako nga po...huhuhu" sagot ng dalaga.
"i'm Susan, Aeron's mother..." pakilala ng babae.
Napayakap dito si Pola, hinaplos din naman ni Susan ang naulila ni Aeron. Dama niya ang sakit na nararamdaman ng dalaga dahil naranasan din niya ito ng maaksidente noon ang kanyang asawa na tatay ni Aeron. Masakit, mahapdi, ilan lamang yan sa mga mararamdaman ng isang ina na namatayan ng asawa at naiwan ang mga anak.
"uhm, tita, ito po si Itoy, anak po namin ni Aeron, apo nyo po" wika ni Pola.
Sandaling napawi ang lungkot ng ina ni Aeron, hindi naman huli ito sa balita, alam naman niya ang kalagayan ni Aeron dito sa Maynila. Niyaya si Pola ng kanyang biyenan na umupo na muna, upang mahimasmasan at makapagpahinga.
"alam mo anak, mama na ang itawag mo sa akin...kahit pa hindi kayo kasal e walang problema iyon, kung sino ang mahal ng aking anak ay mahal ko na din" wika ni Susan.
"salamat po, mama..." tugon ng dalaga.
"matagal ka nang ikinukwento ni Aeron sa akin, noong buntis ka pa lang, actually gusto ko na ngang lumuwas noong nanganak ka pero hindi ko talaga maiwan ang negosyo ko sa Davao" patuloy ng hilaw na byenan.
Nasa dugo talaga ang pagiging negosyante, kung hindi pa siguro namatay si Aeron ay hindi nito makikita si Pola at ang kanyang apo. Nagkaroon naman ang dalawa ng "bond", nagkwentuhan at pilit pinawi ang lungkot na kanilang tinatahak.
"sayang, alam mo ba, last week yata yun, he is planning to propose to you...sabi pa niya e nahihiya nga daw siya sa iyo dahil hindi ka pinakasalan, kaya nagplano siya pero huli na nga ang lahat..." rebelasyon ni Susan.
Muling napaluha si Pola, sa pagkakataong ito'y hindi dahil sa kamatayan ng mapapangasawa sana, sa halip ay isang tuwa. Hindi man natuloy, hindi man niya natamasa, sapat na ang sinabi ng ina ni Aeron na nagplano na pala si Aeron para sana sa kanilang pag-iisang dibdib.
"ma'am, excuse me po, kayo po ba yung asawa ni Aeron?" tanong ng isang lalake at panandaliang nahinto ang pag-uusap nila ni Susan.
"uhm opo...bakit po?" sagot ni Pola.
"ah, ako nga po pala si Inspector Alcala, ako po may hawak ng kaso ng asawa mo" pakilala ng lalake.
"pwede po bang makausap kayo at ilang tanong lang po na pwedeng makatulong sa kaso" patuloy nito.
Tumango si Susan paglingon ni Pola sa kanya, tila pinayuhan na ayos lamang. Nagtungo ang pulis at si Pola sa isang pribadong silid, doo'y isa-isang pinaliwanag ng lalake ang kanilang nakalap na ebidensya sa pinangyarihan ng krimen.
"Fu...opo sir, si Mr. Fu nga yan..shit yan gago...huhuhu" wika ng dalaga.
Ipinakita sa kanya ang CCTV footage na kanilang nakuha sa coffee shop, kitang-kita ni Pola kung paano winakasan ang buhay ng kanyang kinakasama ng demonyong intsik na minsan na din natikman siya. Positibo niya itong kinumpirma sa pulis, malakas ang ebidensya at tiyak na rehas ang kahihinatnan ng negosyanteng intsik, ito ay kung hindi nito masasapalan ng pera ang mga kapulisan.
Ilang minuto pa'y dumating na din muli ang abugado ng biktima, nagalak din ito nang kilala pala ni Pola ang bumaril sa kanyang kliyente, tiyak na makukulong ito at mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Aeron.
"sige sir, kumpleto na po ang kailangan namin at ihahain na po natin ang warrant" wika ng pulis.
Nagpaalam na ang pulis at naiwan ang dalawa sa silid, doo'y masinsinan silang nag-usap. Kilala ng abugado si Fu, siya din kasi ang gumawa ng kasunduan noon nila ng negosyanteng intsik at ni Aeron. Alam niyang maimpluwensyang tao si Alberto Fu, madaming kuneksyon, madaming pera, kung tutuusin ay kaya siyang bayaran mismo nito upang kalimutan ang kaso. Pero kailangan niyang gawin ang lahat, lalo pa't naaayon ito sa huling habilin ni Aeron.
"madam, huwag kayong mag-alala, ibibigay ko din sa media ang kopya ng footage, tiyak wala nang ligtas yang intsik na yan" wika ng abugado na tila may galit din kay Mr. Fu.
"salamat po sir, salamat" sagot ni Pola.
Lumabas sila ng silid at muling bumalik sa kinaroroonan ni Susan na nanay ni Aeron. Kausap ang ilang nakikiramay at muling umiksena ang abugado ng binata.
"ma'am Susan, kelan po ba uuwi si Eros?" tanong nito.
"ah, huli ko siyang nakausap kaninang madaling araw, i think nasa flight na siya ngayon and maybe bukas naririto na siya" sagot ng naulilang ina.
"ok po, sige, hintayin na natin siya para mas malinaw ang lahat. bukas po babasahin ko na sa inyo ang last will ni sir Aeron" paliwanag ng abugado.
"sige po, salamat po" sagot ni Susan.
Kinagabiha'y napuno ng mga magagandang babae ang chapel, mga empleyado ito ng mga bar na hawak ni Aeron. Ang ilan dito'y dating kasamahan ni Pola, gulat sila, hindi nila akalaing si Pola pala ay ibinahay at inanakan na ni Aeron. Subalit hindi naman naging isyu pa sa kanila iyon, ang importante ay ang kanilang pakikiramay at pagluluksa sa namatay na boss nila. Likas na matulungin si Aeron, malapit sa mga empleyado, hindi malayong sa mga susunod pang mga araw ay magsiksikan sa chapel ang mga tao.
Doon nakita ni Pola ang busilak na puso ni Aeron na kanyang "asawa". Alam niyang lahat ng naroroong mga empleyado ay tinulungan din nito gaya ng ginawa sa kanya noong bagong salta siya sa Maynila. Tunay ngang kamatayan lamang ang makapagsasabi kung ika'y importante sa sangkatauhang naiwan.
itutuloy
No comments:
Post a Comment