Friday, August 14, 2015

Tagalog Sex Stories - "Room for Rent" Part 57

Part 57 The Last Will

"...sound of body and mind, devise and bequeath to all I leave behind, the wordly wealth we inherited at our birth, each one to share alike as we leave this earth..."

Simula pa lamang ng pagbabasa si attorney ng last will and testament ni Aeron ay napuno na naman ng lungkot at luha ang pribadong silid sa chapel kung saan nakaburol din ang mga labi ng kinakasamang binata ni Pola. Sarado ang pintuan, tanging si Pola, Susan, at Eros na kararating lamang galing tate ang nasa loob ng silid bukod sa abugado.


"...three of my five establishments, namely Bukana Bar and Grill; Kinky Disco Bar; and Makinis Beer Garden, located along Quezon Ave. in Quezon City, Remedios St. in Manila, and Nakpil St. in Manila respectively, will be in the sole proprietorship of my partner Ms. Paula Espiritu..." wika ng abugado.

"...50% of total cash in the bank will go to my one and only son, which can be only released upon his 18th birthday, the rest will be splitted into half with my mother and brother..." patuloy pa ng abugado ni Aeron.

Walang pagtutol o eksaheradong reaksyon na nangyari mula sa nanay at kapatid ng pumanaw, mayaman naman na sila kung tutuusin, naunawaan nila ang kalagayan ng babaeng minahal ng kanilang kaanak. Hindi man kasal ay maituturing na legal ang huling testamento ni Aeron. Ang luhang malungkot ay nahaluan na ngayon ng saya, hindi akalain ng dalaga na ganoon pala kalaki ang ari-arian ng kanyang kinakasama.

Nagkulang man sa pagmamahal bilang asawa'y sapat at labis na ang iniwan nitong yaman. Buo na ang kinabukasan ng kanyang anak, maging ang iniwang negosyo sa kanya ay sobra pa para sa kanyang pag-aaral. Nangako din naman ang magulang ni Aeron at ang kapatid nito na si Eros na tutulungan nila si Pola sa pagpapatakbo ng iniwang negosyo. Maayos na natapos ang pagbasa ng kasulatan ng namayapa, muli silang bumalik sa burol upang magbigay ng pasasalamat sa namatay na binata.

"how are you Pola?" bulong ni Eros.

"uhm, eto, malungkot..." balik ng dalaga.

"hindi man lang ako nakahingi ng tawad sa kapatid ko..." patuloy ng binata.

Umismid si Pola, hindi naman ito galit na kay Eros. Ngumiti at niyakap ang binatang kapatid ng kanyang kapareha. Niyapos siya ni Eros at naulit ang pagpatak ng kanyang mga luha.

"uuwi na muna ako, maliligo at mag-aayos ng sarili, pwede bang mahiram susi sa condo?" tanong ng binata.

"oh sure, pwede paki kuha na din ng gamit si Itoy?" tugon ni Pola.

"oo sige..." sagot ni Eros.

"ah wait, na kay yaya pala yung susi, isama mo na din kaya siya?" wika ni Pola sabay ngiti na may ibang kahulugan.

Tila tanggap na ni Pola ang kalokohan ng kanyang hilaw na bayaw, o di kaya nama'y biro lang ito upang mapawi din ang lungkot sa mga mata nito. Malibog man at nalumbay sa alindog ni yaya ay nagawa ni Eros na magtimpi.

"tsk! ako nalang...gusto mo ikaw nalang sumama?" biro pa ng binata.

"sira! naku nakikita at naririnig ka ngayon ng kapatid mo haha!" tugon naman ng dalaga.

Lumisan si Eros at naiwan si Pola na napaisip na naman, ilang kapareha ng kanyang sitwasyon ang kanya nang nasaksihan sa kanilang nayon. Ang pagkamatay ng kapatid ay sinusundan ng pagpalit nito bilang asawa ng babae. Ngunit sa isang banda'y muli siyang nanindigan, tama na ito, sapat na ang kanyang mga karanasan at dapat na hindi maulit pa. Nagpasya siyang panatilihin na lamang na bayaw-hipag ang kanilang relasyon.

Makalipas ang apat na araw mula ng pagkamatay ng negosyante ay inilibing na ito. Hindi na kasing dami ng luha ang naubos ni Pola kumpara noong unang gabi ng burol, makikita sa kanyang sarili ang pagiging matatag, malakas at matapang na byuda. Lalo pang naging aliwalas ang kapaligiran para sa dalaga at maging sa pamilya ni Aeron nang madakip na at makulong si Alberto Fu. Malakas ang ebidensya, ginamitan na din ni Susan at Eros ng pera upang hindi na magkaroon pa ng tsansa si Fu na makalaya pa.

Wala nang hihigit pa sa mga dagok sa buhay ni Pola, ngunit sabi nga ng karamihan, kailangang ituloy ang agos ng buhay. Bata pa si Pola, hindi pa tapos ang kanyang pag-aaral at may anak pa siyang dapat alagaan. Sinikap niyang mabuhay ng normal, nagpatuloy sa pag-aaral at maging ang pag-aasikaso sa mga iniwang negosyo ni Aeron ay kanyang hindi kinalimutan. Angkop ito sa kanyang kurso na HRM, puso at pawis ang kanyang ginugol para dito. Naging tapat sa kanya si yaya, nagsilbing pangalawang magulang ni Itoy habang siya ay itinataguyod ang pag-aaral at pagma-manage ng mga bar.

Malamang nakangiti na si Aeron sa langit, kahit sa sarili ni Pola ay hindi niya akalain ito ang kanyang magiging buhay sa Maynila. Sa murang edad ay nabuntis, nahinto ngunit ipinagpatuloy ang pag-aaral, isa na din siguro siya sa mga pinakabatang negosyante sa Kamaynilaan. Sa tulong na din ng mga taong ipinadala ni Susan mula Davao upang maging kasama ni Pola sa negosyo ay napanatili nito ang pagtakbo ng negosyo.

Hands-on ika nga, alam ni Pola ang pinagdadaanan ng mga babaeng manggagawa at maging ang mga mananayaw sa bar ng hubad ay kakampi siya. Halos pumila pa nga ang mga pokpok sa kanyang tanggapan subalit puno na ang slot para dito. Nagustuhan ng mga kababaihan ang kanyang pamamalakad, maging ang mga parokyano'y namangha sa isang babae na nagmamay-ari ng beerhouse.

Isang taon na lang ay matatapos na ang kanyang pag-aaral, pormal na siyang magiging manager ng mga bar. Naging matatag si Pola at hindi na muling nalapitan pa ng tukso, kahit pa ang isang bar niya ay pinalitan ang tema. Isa sa tatlong negosyo ay ginawa niyang disco para sa mga bakla, mayroon itong mananayaw na mga macho at matipuno. Hindi siya natukso kailanman dito kahit pa siya na din mismo ang namimili at unang nakakakita ng mga katawan ng mga lalaking aplikante.

"manong sa Remedios tayo..." utos ni Pola sa kanyang tsuper.

"opo madam" sagot naman nito.

Buhay mayaman, ngunit nanatiling naka-apak ang mga paa sa lupa. Sa bawat daanang pulubi siya ay nagbibigay, sa bawat nangangailangang pinansyal siya ay maaasahan.

"good evening ma'am Pola, may mga aplikante po naghihintay..." wika ng isang floor manager ng kanilang bagong Gay Bar.

"ah o sige, akina mga papel nila at tatawagin ko mamaya" sagot ng dalaga.

Nagpahinga saglit ang byuda, matapos nito'y isa-isa niyang sinuri ang mga papel ng mga aplikanteng lalake. Karamihan dito'y mga part-timers tulad niya noon, pero hindi kaila sa kanya ang ilang kalalakihang naghahangad ng oras upang makapag-bigay aliw sa mga matrona.

"Mr. Apulid, pasok ka na" tawag ng floor manager na babae.

"hi ma'am, i'm Benjo Apulid" pakilala ng aplikante.

"shit, babae pala manager dito..." bulong naman nito sa kanyang sarili.

"ano yun Mr. Apulid?" tila masungit na tanong ni Pola.

"ahm wala po ma'am..." palusot ni Benjo.

Kadalasa'y mga bigtime na bakla o di kaya naman ay isang matrona ang nagma-manage o may-ari ng ganitong mga bahay aliwan. Isa itong surpresa lalo na sa mga kalalakihang binata na nag-aaply, hindi nila aasahang isang makinis at magandang babae na hindi halatang may anak ang kanilang makakaharap.

"pang-ilang bar mo na ito?" tanong ng byuda.

"uhm, pangatlo po kung sakali" sagot ni Benjo.

"so beterano kana? bakit ka naman umalis sa dati mong trabaho?" patuloy ni Pola.

"ah kasi po may naka-away po ako sa dati kong pinapasukan" sagot ng binata.

Ilang linggo pa lamang nang magsimula si Pola sa pag-sasala ng mga aplikante. Noong una'y kasama pa niya ang inirekomendang bakla ng hilaw niyang biyenan, kaunting sayaw, pakita ng katawan, tapos na. Wala ni isang kurot sa kanyang bahay-libog ang nagising sa mga nagdaang mga aplikante. Tunay ngang nagsarado na ang pintuan ng laman ni Pola mula nang pumanaw ang kanyang kabiyak na si Aeron.

"marunong ka ba sumayaw? sige sample nga" utos ni Pola sabay play ng musika sa kanyang cellphone.

Nagsimulang gumiling si Benjo, tipikal na sayaw ng isang macho dancer. Sa una'y tiyak na titilian talaga siya ng kabaklaan, subalit sa mata ni Pola ay isa lamang siyang mananayaw.

"hubad." utos muli ni Pola.

Dahil sa sanay na itong si Benjo ay walang kyeme niyang inalis ang kanyang saplot pang-itaas. Bumulaga kay Pola ang matipunong katawan ni Benjo, manhid man sa tadhana ay nakadama si Pola ng pananabik. Hindi niya akalaing higit pa sa kanyang utos ang gagawin ni Benjo. Matapos ang ilang giling ay itinuloy ni Benjo ang paghuhubad ng kanyang mga damit, pantalon, at iniwan lamang ang bikini brief.

Napataas ang isang kilay ni Pola, muntik pa niyang mabitiwan ang hawak na teleponong tumutugtog at sinasabayan ng balakang ng binata. Sa isipan naman ni Benjo ay akitin si Pola hindi lang para madaling makapasok sa trabaho kundi nagbakasakaling maka-isa na din.

"ang ganda mo ma'am, shit tinitigasan na ako" wika ni Benjo sa sarili.

Nahalata ni Pola ang unti-unting bumubukol na uten ng binata, sa likod ng itim na brief ay kanyang ini-imagine ang mga ugat ng titi na nais nang pumutok sa sobrang tigas. Ang mga naunang aplikante'y mga dalawang minuto lamang nagsayaw, kay Benjo ay umabot na halos ng sampu.

"sige na, ok na...baka makawala pa yan" wika ni Pola na may halong biro pa.

Masungit man ay nasa sarili pa din ni Pola ang pagiging kalog at palabiro. Ito ang hindi niya nabago mula noon na nagsilbing rason upang lalong maakit sa kanya ang mga kalalakihan.

"tanggap na po ba ako ma'am?" tanong ni Benjo matapos magbihis muli.

"...madami pa po akong kayang gawin bukod sa pagsasayaw...uhm, tiyak po na dadami ang mga customers ng bar" pahabol pa nito.

"ok, i get it...natural na yan sa mga dancers, alam ko na ibig mong sabihin at wala akong balak magpa-audition ng ganun ok?" pabiro pang tugon ni Pola.

"sige, start ka sa sabado" wika ni Pola.

Sa pag-uwi ng dalaga ay muling nanumbalik sa kanya ang lahat ng kanyang karanasan noong siya ang nasa kalagayan ng mga aplikante. Napakahirap talagang kumita ng pera, bukod doo'y ang muli niyang pagka-expose sa mga katawan ng lalake.
 
itutuloy

1 comment: