Halos hindi ako mapakali sa loob ng bus patungo sa aming probinsya, naiwan kasi sa aking isipan ang imahe ng mukha at katawan ni manang Monica, lalo na ang huling kataga na kanyang sinabi sa akin matapos ang huling pagsasalo namin ng kamunduhan. Sa halos tatlong linggo na sembreak, araw-araw na nasa aking isipan ang aking landlady, excited akong bumalik na kaagad ng Baguio upang muli ko siyang makapiling at tubusin na ang kanyang pangako.
Mahaba ang bawat araw na lumipas, iba't iba ang aking naisip noong bakasyon. Naroong kailangan kong mag-sanay na hindi kaagad labasan, paano ba lubos na magpaligaya ng isang babae, at iba pang teknik patungkol sa mundo ng six. Naisakatuparan ko ang munting pagsasanay sa panunuod ng aking mga VCD collections noon. Tuwing ako lamang ang naiiwan sa aming bahay ay tiyak na manunuod ako nito.
"kailangan po naroon na ako next week, enrolment na kasi saka para magandang schedule ang makuha ko" paliwanag ko sa aking mga magulang ilang araw bago ang ernrolment period. Dahian ko na din ito upang mapaaga ang aking pag-akyat muli sa lungsod ng Baguio.
Pumayag naman ang aking mga magulang sa aking inilahad na plano. Sa sobrang galak ay kaagad na akong nag-empake kahit na sa susunod na araw pa ang aking byahe. Hindi na ako kailangang ihatid ng aking mga magulang dahil sanay naman na akong magbyahe mula noong ako'y nag-aral doon. Buwanan ako kung umuwi kaya't kabisado ko na ang kalakaran dito.
Sa ilang oras na byahe ay bawat minuto may mga ngiti sa aking mga labi. Tanging ang aking landlady lang ang aking nasa isipan. Hindi ako gaanong lumabas noong bakasyon kahit na alam kong makikita ko ang aking ex-GF sa aking dating paaralan. Basta sigurado akong ako'y masisisyahan sa aking pagdating sa Baguio.
"manang...manang..." tawag ko sa labas ng aming boarding house habang kumakatok sa pintuan.
Sumilip ako sa bukas na siwang sa may bintana upang tignan kung may tao ba sa loob. Tahimik, parang ako talaga ang unang dumating na boarder. Pero ang alam ko ay naroon na din yung dalawang estudyante na nag-aaral sa BCF dahil trimester ang kanilang pasok at mas maaga sa aming schedule. Ganunpaman, natiyak kong may tao sa loob, may ilaw kasi na sumisinag mula sa paanan ng pintuan ng silid ni manang. Nilakasan ko na lamang ang aking katok at sigaw upang ako'y marinig na niya. Kadalasan kasing may tao dito, kaya ni minsan noong huling semester ay hindi ito naisarado.
"manang...manang..." muling kong sigaw.
Ilang saglit pa naman ay nakarinig na ako ng bukas ng pintuan mula sa loob.
"sino yan?" wika ng isang dalaga.
Nagtaka ako, hindi ito boses ni manang Monica. Nagtaka ako dahil tangin si manang lamang ang babae sa aming tahanan. Tumingala pa nga ako ng mga sandaling iyon upang tignan ang numero ng unit baka kako mali ang aking napuntahan ngunit tama naman. Sumilip ang isang babae sa bintana at nagpakilala akong boarder ni manang Monica.
"ah, halika pasok ka..." wika ng dalaga matapos kong magpakilala.
Maganda ang dalaga, sa ilang saglit na siya ay aking makita bago ako tumungo sa aking silid ay natitigan ko din siya. Natiyak kong kakilala siya ni manang Nica nang muli siyang pumasok sa kwarto ni manang.
"Bogart kano nagan" (Bogart daw pangalan) wika ng dalaga matapos isara ang pintuan ng kanilang silid.
Nagpahinga akong saglit dahil nakaramdam din naman ako ng pagod, hindi kasi ako nakatulog sa byahe dahil sa kakaisip sa aking landlady. Ilang minuto mula sa aking pagkakahiga ay aking naisip, kapatid ni manang Nica ang dalaga kanina. Nito ko lang napagtanto na may hawig pala sila, parehas sila ng hugis ng mukha at medyo mas maputi lang ng kaunti ang babae kanina. Lalabas na sana ako pero bigla akong napahinto nang marinig ko naman ang boses ni manong Bert mula sa labas. Ilang pangungusap na wikang ilokano ang aking narinig kaya't hindi ko ito naintindihan lahat. Hindi ko sigurado kung paalis pa lang si manong o kadarating lamang.
Sa aking isipan ay muling nabuo ang isang intriga, kung naroon si manong kanina pa bakit naroon din ang "kapatid" ni manang Nica? Kung kadarating lang naman niya, bakit hindi si manang Monica ang nagbukas ng pintuan kanina? Naguluhan akong muli sa aking mga naisip, sinadya ko na lang na magtungo kunyari sa banyo upang umihi. Luminga ako sa paligid at alam kong nasa loob silang tatlo ng silid. Mahinang usapan na hindi ko maintindihan dahil sa ibang dialect ang gamit nila. Matapos kong mag banyo ay tumungo ako sa sala upang buksan ang telebisyon, ginawa ko iyon para na din malaman nila na naroon lang ako.
"oh Bogart! kanina ka pa ba? kumusta?" masayang bati sa akin ni manang Nica ilang saglit matapos kong buksan ang TV.
Alam kong nagkukunyari lang si manang Nica na hindi nya alam na dumating na ako dahil kanina ay narinig ko nga yung isang babae na sinabing ako ang dumating.
"hi ate Nica, ok lang po..." sagot ko naman.
"ang aga mo yata? kelan ba enrolment nyo?" tanong niya.
"ah sa isang araw pa po, mas maigi na din po siguro kasi
mahirap sumakay sa aming lugar kapag ganitong mga araw" sagot
kong muli.
"ah, kumain kana ba? gusto mo magluto ako?" alok pa niya.
Ngumiti lang ako upang ipahatid sa kanya ang gusto kong
"luto", kaagad naman niyang naintindihan ang aking hiling
pero napangiti lang din sya.
"O sige dyan kana muna ha, asikasuhin ko lang yung kapatid
ko" paalam niya.
Dito ay nasiguro ko na nga na kapatid pala niya talaga ang babaeng nagbukas sa aking pintuan kanina. Ano kaya ang aasikasuhin niya sa kapatid niya? Sa aking pananaw ay parang mas bata kay ate Nica ang babae, mas sariwa. Naisip ko tuloy, napaka-swerte naman nitong si manong Bert, dalawang puki ang katabi sa pagtulog. Ganun din naman ang aking pagkadismaya, kung naririto si manong Bert, wala akong tsansa na makapiling si manang Nica at matubos ko na ang pangako niya na papatikimin na niya ako ng luto ng langit.
Dahil sa lungkot ay nagdesisyon na lang akong matulog sa aking silid, alas-kwatro na ng hapon noon at malamig na ang simoy ng hangin kaya't sayang din dahil masarap pa naman sanang magpainit ng katawan. Ilang oras ng ako'y maalimpungatan, nagising akong tuluyan dahil sa katok sa aking pintuan.
"Bog..Bogart?" tinig ng gumising sa akin.
"po?" sagot ko naman sabay tingin sa bumukas na pintuan.
"ah, Bogart kakain na daw sabi ni Ate" wika ng kapatid ni manang Nica.
Tumugon ako sa paanyaya nila at dagliang lumabas upang dumulog sa hapag-kainan.
"anya ngay arkitek?!" walang kamatayang pagbati sa akin ni manong Bert na mukhang kumikinang ang mukha sa saya.
"uy manong nandito ka pala! ok lang po!" sagot ko naman.
"oh kain na Bogart, mukhang napagod ka sa byahe ah" sabat naman ni manang Monica.
"hindi naman po, inantok lang ako kanina, ang lamig kasi sarap matulog" wika ko naman.
"ah si Mimi nga pala, kapatid ko Bogart" pakilala ni ate Nica sa kanyang kapatid na dalaga. Nginitian ko si Mimi bilang pag-galang, sa tingin ko ay nasa 25-28 ang edad niya. Mas kita ko ngayon ang kanyang mukha dahil sa pagkakapusod ng buhok niya habang kami ay magkakasabay na kumakain. Muling gumana ang aking imahinasyon, naitanong ko pa sa aking sarili kung kasing libog din kaya siya ni ate Monica. Sana ay ganun nga baka sakaling sa kanya ay walang problema sakaling madagit ko siya. Hindi ko masyadong nasipat ang kabuuan ng katawan ni Mimi, tanging ang makinis na kutis ng kanyang pisngi hanggang sa leeg lamang ang aking napagnasahan. Magkapatid nga silang talaga dahil mayroon ding dimples si Mimi kapag ngumingiti, dalawa pa ito magkabila di gaya ng kay ate Monica na iisa.
"anya Bogart, kayat mo ti ag shot?" (ano Bogart, gusto mo mag shot?) wika ni manong Bert bago matapos ang aming hapunan.
"ikaw dad, hindi nakakaintindi ng ilokano kausap mo" sabat ni manang Nica.
"naintindihan ko naman yung 'shot' na word hehe!" biro ko naman.
"naku kayong dalawa puro kalokohan! dito nalang kayo uminom sa bahay, kami nalang i-teybol nyo! hihi!" biro naman ni manang Nica.
Napangiting muli ang kanyang kapatid na si Mimi, muli akong nabighani sa mga cute na biloy niya sa kanyang pisngi. Siguro ay game din siya sa mga inuman kagaya ng kanyang ate na si manang Monica. Unti-unti ay naging malapit din kami sa isa't isa noong gabing iyon. Nag-presinta kasi akong maghugas ng mga pinagkainan ngunit ipinilit niyang siya na lamang. Dahil sa likas na kabaitan ay nagkasundo na lang kami na magtulungan.
"so di ka pala ilokano?" pangbungad na wika ni Mimi.
"ah hindi po ate, tagalog po ako. Pero unti-unti medyo natututo na ako dito" sagot ko naman.
Dahil sa magkatabi kami sa harap ng lababo habang magkasamang naghuhugas ng mga plato, hindi ko maiwasang hindi ko maamoy ang dalaga. Tumigas ang aking alaga at halos hindi ako mapakali dahil sa naipit ito sa aking brief mula sa pagkakatigas. Balot ng sabong panghugas ang aking mga kamay kaya't ang aking braso ang pinang-ayos ko dito. Napansin pala ni Mimi ang aking mga aksyon kaya't nagwika na din ito.
"ok ka lang ba?" tanong ni Mimi.
"ah ok lang po, naipit lang hehe" biro ko naman.
Hindi yata na-gets ni Mimi ang aking joke, or hindi niya talaga pinansin. Pero sa gilid ng aking isang mata ay parang nakita ko siyang ngumiti.
"sige na Bogart, kaya ko na ito, ayusin mo na yan" biro pa niya.
Pilya din pala itong dalagang ito, kahit na alam kong medyo malayo din ang aming agwat sa edad ay game na game siya sa aking mga biro. Pumasok ako sa aking silid matapos ang aming tulungan, nahiga ako saglit at nagmuni-muni. Hindi ko alam kung ano ang balak sa aking sarili. Tanggap ko na na wala akong chance noong gabing iyon kay manang Monica. Ngunit hindi ko alam kung bakit parang may munting saya at tuwa sa isang sulok ng aking isipan.
"san si Bogart?" wika ni manong Bert.
"Bogaaaarrtttt...." sigaw naman ni Mimi.
"huy kung maka sigaw ka naman..." wika naman ni manang Monica sa kapatid. Paglabas ko ng kwarto ko ay nakita ko silang tatlo sa sala kasama din ang isang boarder namin na bihira kong makasama. Nakahain ang alak, litsong manok ang pulutan at ilang mani na tig-pipiso ang isa.
"tugaw kan, shoten" (umupo kana, shot na) utos ni manong Bert.
Doon ako tumabi kay Mimi, kasi katabi ni manong si manang Monica na gusto ko sanang "ka-table".
itutuloy
bitin haha
ReplyDelete