Bahagi na ng ating buhay ang mga kasabihan, mga linyang tumatatak sa atin na maaaring galing sa libro, pelikula, telebisyon, o kaya'y sa mahahalagang tao sa ating buhay. Para sa iba, ito ay mga salita lamang, pero meron namang itong ginagawang gabay sa kanilang buhay. Ang nangyari sa amin ni ate Mimi ay hindi lamang salita, may kasama itong gawa na tiyak na tumatak sa aking puso. Hindi man perpekto ang aking "first time" dito sa Baguio, ang alindog ni ate Mimi ay ang nagsilbing susi sa kandado ng aking nakaburong libido
.
Kung tutuusin ay parang isang panaginip lang ang nangyari noong gabing iyon, pag gising ko kasi nang umaga ay tila walang nangyari. Walang tao, ako lamang ang naiwan. Nagpasya na lang ako na gumayak na lamang upang magtungo na sa aming paaral at magpatala. Lulan ng jeep na dadaan sa Bonifacio ay tulala pa rin ako, kung mahuhulog siguro ako sa lalim ng aking iniisip ay tiyak na hindi ako makakaahon dito. Pinaghalong saya at lungkot ang aking nadarama, ang saya nang matugunan ni ate Mimi ang uhaw kong titi, at ang lungkot nang kanyang paglisan na hindi ko nalalaman.
"Bogart!" sigaw ng isang dalaga habang ako ay paakyat ng ikapitong palapag ng aming gusali.
"uy! hi Jona!" bati ko sa aking kaklase na dati ko pang pinagnasahan.
"kumusta ngay? tara sabay na tayo para classmate ulit tayo!" masayang paanyaya ng dalaga.
Kahit na sa aking paningin ay tila lalong gumanda at naging mas maalindog si Jona, wala itong naging epekto sa aking kalibugan. Tanging si ate Mimi pa din ang nasa aking isipan. Kahit na naging "daring" pa lalo ang pananamit ni Jona, kung saan halos masilip ko na ang cleavage niya, wala pa rin itong sinabi sa malambot na suso ni ate Mimi kung saan akin pang natikman. Ang makinis na kutis ni Jona na bahagyang sumasagi sa akin habang kami ay naglalakad ay walang sinabi sa kinis ng katawan ni ate Mimi na aking dinilaan.
"huy! ok ka lang ba?" gulat sa akin ni Jona nang ako'y mahuli niyang tulala.
"ah eh, oo pagod lang sa byahe hehe" palusot ko naman.
"pagod? e kahapon ka pa kamo dumating diba?" wika pa niya.
"sinabi ko ba yun? hehe...e basta pagod, napainom din kasi ako kagabi" sagot ko naman.
"umiinom ka pala? di ka man lang nagyaya...hmp!" wika niyang muli.
"...saka pwede ba, kung matutulala ka e wag ka sa dibdib ko ikaw titingin??" masungit na paalala pa ni Jona.
Nahiya ako sa mga binanggit niya ngunit ayos lang iyon sa kanya dahil halos kilala at malapit naman na kami sa isa't isa, barkada ika nga. Nagtungo kami sa aming enrollment room upang magpatala sa susunod na semester. Halos lahat ng aming subject ay parehas muli, maliban sa ilang minor subjects na kanya nang natapos noong nasa ibang kurso pa siya. Hindi na kaila na gusto na din niya akong makasama, kung dati ay tumatanggi siyang makasabay akong kumain ng tanghalian ay ngayo'y siya pa mismo ang nagyayaya.
"uuwi ka ulit sa province nyo?" tanong ni Jona habang kami ay kumakain ng miryenda matapos ang mahabang araw ng enrollment.
"ah siguro sa undas na, depende kung papauwiin mo ako" biro ko pa.
"tse! ano naman ang halaga ko sayo?" sagot niya.
"eh malay ko kung manlilibre ka ng inom hehe" patuloy ko.
Napaisip si Jona, nakita ko sa mga mapungay niyang mata na gusto nya ang narinig lalo na ang "alak" sa aking pangungusap. Pigil ang mga ngiti, tila nahuli ko yata ang kanyang kiliti.
"naku ayoko nga baka lasingin mo lang ako!" sagot niya.
"haha bakit naman kita lalasingin? ano naman mapapala ko sa lasing?" pahaging ko pa.
"saang disco ka ba madalas?" tanong niya sa akin.
"huh? disco? hindi, kapag nag-iinuman kami e sa bahay lang, iwas gastos na iwas gulo pa" paliwanag ko.
"sabagay, alak lang naman pala, sayang madaming chicks dun" biro pa niya.
"...san tayo Bogart?" dugtong pa niya.
Sa ilang oras naming magkasama ni Jona ay halos malimot ko na ang alindog ni ate Mimi. Tila nabubura na sa aking isipan ang mga imahe ng maamong mukha ni ate Mimi, napalitan ito ng bawat ngiti ng aking kaibigang si Jona. Hindi naman kami ganoon ka-close noong nakaraang semester, subalit dahil sa halos lahat ng subject ay magkasama kami, naging malapit na din kami sa isa't isa. Walang BF si Jona, napagkamalan ko pa nga siyang tibo dahil puro babae ang kasama niya kapag tapos na ang araw ng pasok. Ngunit hindi ko alam kung sino ang sumusundo sa kanya na naka-kotse palagi.
"anong saan?" tanong ko sa kanya.
"alangan namang mag-disco tayo e mataas pa ang araw? haha!" biro pa niya.
"e ikaw, ikaw ang taga dito diba? hehe.." sagot ko naman.
"uhm, tambay lang tayo, saan ka ba nakatira dito Bogart?" tanong niya.
Aba iba na ito, wika ko sa aking sarili. Siya na mismo ang nagyayaya sa aming boarding house. Wala naman sigurong masama kung dalhin ko siya roon, yung ibang boarders din naman e may mga bisitang babae kung minsan. Yung iba pa nga e kasama pa sa kwarto kapag nobya nila ang kasama.
"ah dyan lang sa brookside, e puro lalaki kami dun Jona" sagot ko sa kanya.
"so? bakit mga manyakis ba kasama mo?" wika niya.
"hindi naman, baka lang kako maasiwa ka" dugtong ko pa.
"sus, tara na at gusto ko na magpahinga" sabay akay sa akin ni Jona at sumakay kami ng jeep.
Habang nakasakay kami sa Trancoville na byahe ay magkatabi kami at amoy na amoy ko ang halimuyak ng katawan ni Jona. Pagbaba namin sa crossing ay ilang metro pa ang lalakarin upang marating ang aming boarding house.
"uy wag ka mabibigla kung magulo sa bahay ha? alam mo na puro lalaki ang naroon" wika ko sa kanya habang kami ay naglalakad.
"naku ano ka ba, wala yun" sagot niya.
"saka sorry pinag-jeep kita, alam ko e sanay ka sa kotse" pahabol ko naman.
"haha! ano ka ba, hindi ako anak-mayaman noh!" sagot niya.
"eh sino yung sumusundo sa iyo palagi?" tanong ko.
Hindi kaagad nakasagot si Jona, tila nag-isip kung ano ang isasagot sa akin. Bigla niyang binago ang usapan.
"malayo pa ba?" sagot niya.
"daya naman, hindi sinagot tanong ko" wika ko naman.
"alin ba? si kuya? kuya ko yun, sinusundo niya ako lagi, ito naman. Bogart teka bili muna tayo ng softdrinks, napagod yata ako" sagot niya.
Hindi naman ganoon kalamig sa Baguio sa buong araw, pagsapit din kasi ng tanghali lalo pa kung matindi ang sikat ng araw ay umiinit din ang panahon. Dahil na din siguro sa dito na siya lumaki ay sanay na siya sa lamig at konting init lamang ay tiyak na papawisan. Dumaan kami sa tindahan isang bahay malapit sa aming boarding house. Pagbukas ko ng aming pintuan ay wala pa ding tao, sabi ko pa ay ok ito. Tutal hindi din naman nagpaalam si ate Mimi, wala naman sigurong masama kung magdala ako ng babae dito. Tutal kaibigan ko lang naman si Jona.
"kala ko puro lalake? e wala naman palang tao" pagtataka ni Jona.
"ah e yung dalawa pumapasok sa BCF, yung iba nasa province pa, si manang ewan ko kung nasaan" sagot ko naman.
"hindi ba set up lang ito para masolo mo ko? haha!" biro naman niya.
Pinaupo ko si Jona sa aming sofa dito sa may sala. Inihain ko ang sitserya at softdrinks na aming binili. Hindi pa man ito nauubos ay nagyaya na si Jona.
"Bogart saan room mo?" malambing niyang tanong sa akin.
"ah doon sa dulo" sagot ko.
"pwede ba akong mahiga sandali sa kama mo? napagod yata talaga ako. saka para may lakas ako mamaya sa shot natin hehe" paliwanag niya.
Hindi ko pinagisipan ng anuman ang suhestyon ni Jona, hindi ako nakaisip ng libog sa mga sinabi niya. Bagkus ay naalala ko ang aking kobre kama, tiyak na naroon pa ang pinaghalong amoy ng aming pagniniig ni ate Mimi. Siguradong maaamoy niya ang amoy ng babae. Wala akong magawa, kahit na anong palusot ko na madumi ang kwarto ko e ayos lang daw sa kanya.
"gusto mo dito nalang sa sofa ako matulog? hehe" biro pa niya.
Kinuha ko ang natira naming pagkain, kasabay nito ang muling paghawak sa akin ni Jona sa aking kamay upang akayin mismo papunta sa aking silid.
"sus, mas magulo pa nga kwarto ko dito eh, ang linis mo pala Bogart" bati pa niya pagbukas pa lang ng pintuan ng aking kwarto.
"oh dyan ka muna sa upuan mo, bantayan mo ako iidlip lang ako Bogart" paalala pa niya at dumiretso na sa aking kama.
Kinuha ni Jona ang aking isang unan na palagi kong niyayakap. Nasa aking puso pa ang kaba na baka malaman niyang ang kanyang hinihigaan ay ang pinangyarihan ng isang mainit na bakbakan. Tumalikod si Jona at humarap sa dingding habang yakap pa rin ang aking unan. Muli siyang nagbilin bago umidlip.
"Bogart saglit lang ha" wika niya at simulang natahimik.
Bakit kaya tila puyat itong si Jona? Pinagmasdan ko ang likod ng aking kaibigan, lalo na nang bahagyang lumilis ang kanyang damit sa bandang likuran at sumilip ang maputi niyang balat malapit sa kuyukot ng kanyang puwitan. Ngayon ay umakyat na ang aking libog, tuluyan ko na yatang nalimot si ate Mimi.
"Bogartttt...Bogarrtttt" sigaw ng dalaga mula sa labas ng aking silid ilang minuto ang lumipas.
"shet si ate Mimi?!" wika ko sa aking sarili.
itutuloy
waaaaa bitin.,
ReplyDelete