Thursday, August 14, 2014

Tagalog Sex Stories - Subdivision Part 22

Part 22 Contentment

"...of every tree of the garden you may freely eat; but the tree of the knowledge of good and evil, you shall not eat of it; for in the day you eat of it you will surely die." -Genesis 2:16-17

Oo, si Eba ang unang kumain ng mansanas, siya ang dahilan kung bakit naging makasalanan ang sanlibutan. Si Eba, si Eba na babae at asawa ni Adan. Pero hindi ito ang nais kong iparating,




 ang pakay ko'y hindi para ang babae'y tuligsain. Sa harding inihain sa atin ng 
Maykapal ay siguradong maaari na tayong mabuhay, kumpleto na sa mga nakahain, wala ka nang dapat pang hanapin naroon na lahat ng iyong kakailanganin.

Ganito ang tao, sabi nga ng mga eksperto, hangga't mayroong makukuha e talaga namang kakayaning makamtan ito. Hindi kuntento ang tao, at hindi ko itatangging ako'y isa na dito. Kayo din pwede ninyong suriin ang inyong mga sarili, ako noong nagbibinata'y dumating sa estado kung saan nabuksan ang aking kalibugan. Una, gusto kong makatikim ng babae, gusto kong makaranas ng six. Natupad ito sa una kong kasintahan, akala ko sapat na pero sa halip na isa, sinimulan kong magbilang sa aking mga daliri pa.

Gusto kong magka-asawa para magkaroon ng sariling pamilya, gusto kong magkaroon ng trabaho para mabili ko ang ganito. Tuloy-tuloy ang progreso, sa una sa tingin mo'y isa lang ang dapat mong makamtan pero hangga't nariyan ang pagkakatao'y hindi mo ito magawang palagpasin na lang. Sabi na rin sa isang kanta na aking naalala:

"...if you had one shot, or one oppurtunity to seize everything you've wanted, one moment, would you capture it? or just let it slip?"

Doon ako nahulog sa una, hindi ko pinalagpas ang pagkakataon gayung alam ko noon ako'y kuntento na. Si Angel, si Angel na aking Eba, siya din mismo ang naghain ng pagkaing hindi ko dapat kainin. Hindi ko ito pinalagpas sapagka't nanaig sa aking sarili ang "wants" kesa sa "needs". Lahat ng aking pangangailanga'y naroon na, maging ang luho ko'y inihatid niya. Mula kay Angel papunta sa kapatid niya, ngayon maging kay Carina pa.

Sabi naman ng iba, ang buhay natin ay parang tatsulok. Kung ito'y iyong iguguhit mula sa kaliwa, magugunitang tayo ay nagmula sa wala. Papataas, katumbas ang progresong ating tinatamasa. Darating at darating ang panahong ikaw ay nasa tuktok na, doon mo masasabing "ako ay kuntento na". Dahil dito'y isinarado ko na ang aking pintuan, nasa tuktok na ako e, sa tingin ko nasa akin na ang lahat ng aking kailangan. Bahay, kotse, trabaho, anak, asawa, kabit, isa pang kabit, ano pa ba ang kulang? Wala na diba?

"babe, akyat ka muna dito, tatapusin ko pa yung chart ko e"
 wika sa akin ni Angel isang araw na siya ay aking susunduin.

"ah o sige babe"
 sagot ko bago patayin ang telepono.

Hindi ako madalas tumungo sa loob mismo ng ospital, bukod sa takot ako sa dugo e pakiramdam ko sa bawat paghinga ko nakakalanghap ako ng mikrobyo. Noon siguro oo, madalas akong pumasok doon noong nililigawan ko palang ang aking asawa. Madalas akong tumambay sa lounge ng mga nurse tuwing hinihintay ko siyang matapos.

"uy sir Bogs! hi!"
 bati sa akin ng isa pang kasamahan ni Angel.

Hindi ko man matandaan ang kanilang pangalan, alam kong kilala ko sila at kilala nila ako kahit sa mukha lang. Hindi naman ako bago para sa kanila, sabi ko nga mula noong ako'y nanliligaw pa lang ay madalas na ako dito. Bukod doon, nagkikita din naman kami ng mga kasamahan ng aking asawa kapag may mga okasyon tulad ng Christmas party, new year, at kung anu-ano pang party nila. Maliban lang sa mga baguhan, talagang hindi nila ako mamumukhaan.

"babe doon ka muna sa loob" utos ni misis nang ako'y dumating.

Doon ako dumiretso sa quarters nila, doon kung saan sila namamahinga kapag walang ginagawa. Naupo ako sa isang silya, bahagya akong dumausdos upang maibsan ang sakit ng aking likod dahil na din sa maghapong pagod. Di katagala'y nakarinig ako ng dalawang tinig na nagku-kwentuhan, papalapit sa aking kinaroroonan.

"..hihihi! ang ingay nga sa room nila e!...tapos natahimik nung pumasok yung masungit na duktor! hahaha!" sabayan nilang salita.

"ay! may tao pala hihi!"
 gulat ng isa nang ako ay kanilang makita.

Ngumiti sa akin ang isa, ang isa naman na alam kong maingay ay hindi nakapagsalita. Narinig ko ang bulong ng isang nurse sa kasama niya.

"sino yun?"
 narinig kong tanong niya.

"si sir Bogs yan, asawa ni ma'am Angel"
 sagot ng isa pa.

Minarapat kong sumingit sa kanilang usapan, nahiya din kasi ako dahil baka ang silid na aking tinambayan ay para lang sa mga kababaihan.

"ay bawal ba dito? pasensya na" wika ko.

"ay hindi sir Bogs, okay lang po...hindi naman po ito dressing room hihi!"
 sagot ng isang babaeng nurse.

Ngumiti lang ako at muling bumalik sa aking pwesto. Ilang sandali pa'y nadagdagan na ang mga tao sa loob ng silid. Minarapat kong lumabas na dahil alam kong ako'y nahihiya, doon ako nagpunta sa nurses' station kung saan naroon din ang aking asawa.

"oh bakit lumabas ka na? saglit lang babe di pa ako tapos"
 sagot ng aking asawa.

"eh ang dami nang tao dun, dito nalang ako..." wika ko naman.

"o sige, saglit na lang babe" sagot ni misis.

Luminga-linga ako at pinagmasdan ang kabuuan ng ospital, bilang isang arkitekto'y mapagmasid ako lalo na sa mga gusaling tulad nito. Ilang minuto pa ang lumipas may tinawag si Angel sa loob kung saan ako galing kanina.

"Alex! Alex! halika na dito!"
 sigaw ng aking maybahay.

Lumabas ang nurse na tinawag ni misis. Siya yung nurse na nakausap ko kanina sa loob at siya ring nagpakilala sa kasamahan niya na ako yung asawa ni Angel. Si Alex, ah naalala ko na, siya yung pinuntahan namin dati ni misis na nakatira malapit kila Carina. Hindi ko siya gaanong namukhaan, marahil gabi noon at umuulan kaya hindi ko nakita ang kanyang kabuuang itsura.

"ma'am eto na po" sagot ni Alex habang inaabot ang chart kay misis.

Napatingin sa akin si Alex, ngumiti din siya bilang muling pagbati sa akin.

"maingay ba sila sa loob kaya ka umalis dun Bogs?"
 tanong ni misis.

"ah hindi naman, medyo lang hehe" biro ko naman.

"haha sir naman! hindi naman po kami maingay diba?"
 singit naman ni Alex.

Ilang minuto pa'y nagligpit na ng gamit ang aking asawa, nagpaalam sa mga kasama na kami ay uuwi na.

"bye guys, see you tomorrow!" 
paalam ni Angel.

"bye ma'am Angel!"
 sigaw naman ng ilan.

"ah babe, isabay na natin si Alex, medyo malakas yata yung ulan e saka malapit lang naman bahay niya sa atin"
 wika sa akin ni Angel.

Tumingin ako sa kasama naming isa pang nurse, nakangiti siya at handa na ring lumisan. 

"okay lang ba ma'am? okay lang ba kay sir Bogs? hihi promise hindi ako mag-iingay hihi!" wika pa ni Alex.

Habang daan palabas ng ospital ay panay ang bati sa aking asawa ng ilan, mga kapwa nurse, mga duktor, pati mga janitor. Sikat pala ang asawa ko dito sabi ko pa sa isipan ko, proud ako siyempre, hindi na ako magtataka kung meron ding mga humahanga sa kanya o tangkang manliligaw na rin.

"ay kasama pala si sir pogi..." biro pa sa amin ng isang guwardyang babaeng naka-duty rin.

Tama lang pala na isabay na namin ang bago niyang kasamahan, umuulan na kanina nang ako'y pumarada tapos paglabas namin ay parang mas lumakas pa ito.

"hintayin nyo nalang ako dito, kukuhanin ko yung car" sabi ko pa.

Isa lang naman kasi ang dala kong payong, para sa amin lang sana ito ni misis. Pero dahil sa may kasama nga kaming iba ay ganoon na lang ang aking ginawa. Sa loob ng sasakyan ay tahimik nga si Alex, nahiya na nga yata at kundi pa kausapin ni misis ay talagang hindi magsasalita.

"sino pala mga kasama mo sa bahay? taga Maynila ka ba talaga?" tanong ni misis sa aming kasama.

"ah mga pinsan ko po saka yung tita ko, taga Pangasinan talaga ako ma'am, nandun yung parents ko pero dito na ako nag-highschool at college...so medyo laking Maynila na din hihi!" wika ni Alex.

"ah okay, wala ka bang BF? mag BF kana sana para may susundo sa iyo hihi!" 
biro pa ni misis sa kanya.

"ay wala po, wala po akong balak sa ngayon hihi!" sagot niyang muli.

"ah ganun ba, o sige kapag magkasabay ang duty natin e sa akin kana lang lagi sumabay ha?"
 sabi pa ng aking maybahay.

"salamat po ma'am Angel!" masaya naman nitong sagot.

"ma'am na naman??" pahabol ni Angel.

"ay ate pala hihi! thank you po ate Angel!"
 balik naman ni Alex.

Nagbalik ang katahimikan nang mawalan na sila ng pinaguusapan, medyo traffic pa noon dahil sa ilang kalye na may baha.

"ate Angel, ano po trabaho ni sir?" biglang tanong ni Alex.

"ah si Bogs, arkitekto siya.."
 sagot ni misis.

"wow architect pala si sir Bogs! hihi! edi magaling ka mag-drawing? pag mayaman na ako sa iyo ako magpapagawa ng bahay ko ha? dapat mura lang hihi!" biro pa ng dalaga.

Ilang beses ko nang narinig ang mga sinabing iyan ni Alex, karaniwan na siguro sa aming trabaho ang paunlakan ng ganito.

"sure, mura lang naman..." tipid kong sagot.

Dahil sa trapiko'y mga isang oras din naming tinahak ang dati sanang labinglimang minuto pauwi sa amin. Inihatid namin ang kasamahan ni misis doon din sa bahay ng mga tita pala niya. Malakas pa din ang ulan, siguradong mababasa si Alex kapag tumakbo lang siya papasok sa kanilang tahanan.

"Bogs ihatid mo nga si Alex, payungan mo"
 utos ni misis.

"naku ma'am wag na po, kaya ko na..."
 wika pa nito.

Kinuha ko ang payong na aking dala kanina, wala nang magawa ang dalaga at sinundo ko na siya sa pintuan sa aking likuran. Kumapit sa aking isang braso si Alex, inihatid ko siya doon mismo sa kanilang pintuan kung saan hindi na nababasa ng ulan.

"thank you sir Bogs! hihi!"
 wika ni Alex.

"kuya nalang, wag nang sir..."
 biro ko naman.

"ay okay hihi!" sabay kaway na din niya sa aking asawa na nasa sasakyan.

Bago ako nakasakay muli sa aming kotse ako ay napaisip, hindi ko masisi ang aking mapaglarong imahinasyon, totoo naman kasi ang aking nasaksihan kanina. Hindi ako magkakamali, ang amoy niyang mabango ay talagang tumatak sa aking puso. Naamoy ko si Alex nang kumapit siya sa akin habang hawak ko ang payong, tama, parehas nga sila ng pabango, parehas sila ni Carina.


itutuloy

No comments:

Post a Comment