Part 25 Lesbiaci
Isa na namang araw ang lumipas, dalawang sunod na araw ng aking bakasyon ay masasabi kong naging makulay. Hindi dahil nagkaroon kami ng solong sandali ng aking "GF" na si Carina kahapon, hindi dahil muli niyang inulit ang "body to body" massage na akin na ring nakahiligan, kundi dahil kay Alex. Dumating din sa punto kasi na habang kinakantot ko si Carina nang ako'y pumikit ay si Alyssa o Alex ang aking nakita. Tama ba yun? Tama bang ang mukha niya ang bumulaga sa aking pagpikit habang ako'y nasa ibabaw ng aking mahal na kabit?
"tara babe" wika ni misis nang kami'y paalis na upang siya ay aking ihatid.
"...babe, kumusta si Carina? matagal na din yata tayong hindi nagkikita-kita ano?" tanong pa niya sa akin.
"ayos naman babe, gusto mo ba mag-set tayo?" sagot ko.
Sa totoo lang parang nabawasan ang "excitement" ko sa aming tatluhang pagtatalik. Sabi ko nga, naging "normal" na ito para sa amin. Mula nang ako'y mapalapit sa bagong kasamahan ni misis, para bang doon na talaga natuon ang aking pansin.
"sige babe, tawagan ko si Carina mamaya, off ko kasi sa isang araw" sabi pa ni Angel.
Gaya ng dati, matapos kong maihatid si Angel ay saglit akong nag-antabay kay Alex. Gaya din ng dati, hindi ko pa nababanggit sa aking asawa na ang kasamahan pala niya ay aking naihahatid, hindi lang minsan kundi dalawang beses na at hindi siya kasama.
"saan na naman kaya pumwesto yun?" bulong ko pa sa aking sarili.
Ayoko naman na kasing maulit yung kahapon, yung harangin ko yung taxi na sinasakyan niya. Komo may pasok din ako noong araw na iyon, wala akong gaanong oras para maghintay pa ng matagal. Swerte naman, siguro ito'y itinakda nang talaga sa aking tadhana, nakita ko si Alex na nakatayo malapit sa isang convenience store, and take note, hindi siya naghihintay ng taxi, nakatambay siya doon at alam kong ako ang kanyang inaantabayanan.
"beep" isang busina ko palang e lingon na siya.
Nakangiting lumapit sa akin si Alex, diretso siya sa loob ng aking kotse. Sanay na yata siya sa akin, o sa aming gawain. Humagip din naman sa aking isipan kung bakit doon pa siya naghihintay, pwede namang sa lobby nalang dahil doon ko din naman ibinababa ang aking asawa. Ayaw kaya niyang makita ni Angel? Nahihiya? Saka sa dalawang beses na kami ay magkasama walang nabanggit ang aking asawa na sinabihan siya ni Alex na sasabay o sumabay sa akin.
"hi kuya!" bati niya.
"hi" bati ko rin.
Buo na naman ang aking umaga, kasama ko na naman ang "gumagandang" dalaga. Noong umagang iyon ay halatang hindi siya pagod, noong nakaraang araw ay halata kasing puyat siya pero ngayon ay parang bagong gising pa yata.
"sa Ortigas work mo diba?" tanong ni Alex.
"oo, bakit?" sagot ko pa.
"eh hindi ka ba male-late nyan? nakakahiya na kuya hihi!" sabi ng dalaga.
"actually sa site ako ngayon, wala namang time card doon, hawak ko oras ko...saka on the way naman yung sa inyo e, kahit di ka sumabay, hinahatid ko naman talaga si Angel..." paliwanag ko pa.
"ah...ang galing naman...sa construction site ka? e bakit naka-pormal ka?" tanong muli niya.
Ang totoo nito ay palusot ko lang na sa site ako, tuwing lunes talaga ay sa opisina muna ang aking diretso tapos sa bandang tanghali ako tutungo sa site. Sinabi ko lang iyon para hindi naman siya gaanong mahiya, baka mamaya e hindi na siya sumabay sa akin sa susunod.
"eh talagang ganun, dapat pormal at kagalang-galang" sabi ko ulit.
"ah okay...baka kasi may meeting ka o whatsoever e ako pa maging dahilan pag na-late ka" wika niya.
"bakit? ayaw mo na bang sumabay sa akin?" tanong ko.
"...gusto" mahina niyang tugon.
Parang musika ang boses niya noon, para bang malambing na bata nang sabihin niya ang "gusto".
"oh yun naman pala e, kaya cool ka lang, don't worry" sagot kong muli.
Ilang minuto din ang lumipas bago kami muling nag-usap. Siguro nagkakahiyaan talaga kahit na pangatlong beses na naming magsama. Sayang lang talaga, hindi siya gaanong pagod, kung wala pala akong pasok ay mas matagal kaming makakapag-kwentuhan habang nag-aagahan sa kanila o sa Mcdo.
"nagluto ka ba ulit?" tanong ko sa kanya.
"oo e, sayang hindi mo matitikman" sagot niya.
"alin?" tanong ko kaagad.
"huh? yung luto ko ano pa" wika niya.
Muntik na ako doon. Nakalimutan ko na hindi nga pala si Carina ang aking kasama. Buti nalang at hindi siya masungit mag-isip, kailangang hindi ako maging "marahas" sa pagpapaamo sa dalaga kong kasama. Kung sana kumagat siya sa "double meaning" kong mga tirada ay ayos na.
"oo nga, e next time nalang kapag wala akong pasok" sagot ko nang maluwag.
"specialty ko pa naman..." bulong ng dalaga.
"eh ano ba yung specialty mo?" tanong ko kaagad.
"pechay." tugon niya.
Napatawa ako ng malakas, paglingon ko'y tulala siya at nagtataka kung bakit ako napatawa. "Pechay", sa pagkakaalam ko'y "puki" ito sa salitang bakla kaya ako napatawa.
"anong nakakatawa?? ginisang pechay na may sardinas yung ulam na niluto ko!" sagot niya na parang naiinis.
"ah eh, wala naman, may naalala lang ako" depensa ko.
Natahimik kaming muli, akala ko siya ay nagalit sa pagtawa ko sa kanyang mga sinabi. Mga ilang minuto ulit bago muli siyang nagsalita.
"ahahah!" bigla niyang tawa.
"bakit?? oh ikaw tumatawa mag-isa ahaha!" sabi ko pa.
"haha na-gets ko na! pechay ka dyan haha!" sagot ng dalaga.
"..pilyo ka din pala kuya haha!" patuloy pa niya.
Akala ko sabit na, ayos lang pala kay Alex ang biro ko kanina. May panig din pala siyang may kiliti, sabagay, lahat naman tayo ay may libog na itinatangi. Hanggang marating namin ang kanilang tahanan ay ang pechay pa din ang aming usapan. Tawanan, asaran.
"sige kuya, salamat po ulit sa paghatid..." paalam niya.
"sige bye" paalam ko naman.
Hindi na ako bumaba noon sa aking sasakyan, wala na kasi akong oras na manatili pa. Pero bago ako sumibat ay muli siyang nagbiro sa akin.
"hindi kana ba talaga kakain?" tanong ni Alex.
"ah hindi na, salamat nalang" sagot ko naman.
"ayaw mo lang yata yung pechay ko eh! hihihi!" biro ng dalaga.
"hahaha!" tawa ko nalang.
"haha sige kuya ingat ka!" huling salita niya.
Sa kabila ng aming mga biruan at masasayang tawanan, na dinala ko habang ako'y nagmamaneho hanggang sa opsina, napaisip din ako. Sa tagal na nagtatrabaho ni misis doon sa ospital na yun ay ngayon lang siya nagkaroon ng masasabi kong "very close" na kaibigan. Hindi lamang iyon, bukod sa pagiging close nila e parang mabilis ito dahil kakalipat lang ni Alex sa kanilang departamento.
Sa gitna ng traffic papuntang Ortigas ako'y namuni-muning muli. Pinagtahi-tahi ko ang bawat detalye tungkol sa mga pinagbago namin, partikular sa aking asawang si Angel. Regina-Angel-Alex...ano ba ang pagkakahalintulad nila? Maraming bagay ang dapat ikunsidera, hanggang sa huli'y tila nabuo ang isang kuro-kuro. Dapat ko bang isipin ito? O dapat ay magmasid na muna ako?
"baby? hi baby Bogs! hihi! ate called me, she said na we will have some tonight? sunduin mo ako ha?"wika ni Carina nang siya ay tumawag.
itutuloy...
No comments:
Post a Comment