Monday, November 24, 2014

Tagalog Sex Stories - "Gusali" Part 13

Part 13 The Orientation

Hindi naman ako lasing, ngunit tila umiikot ang aking paningin. Hindi ako nagdo-droga subalit ang aking imahinasyo'y medyo wala yata sa timpla. Gising ba ako, o ito'y sadyang panaginip lamang? Tama ba ang nakikita ko, asawa nga ba ni Edong ang naririto? Hindi ako makapaniwala, hindi ko matanggap na ang mahanging pinsan ng aking asawa'y makakadagit ng ganito kaganda.


"oh by the way, Bogs, meet my wife...Tricia" wika ni Edong.

"hi, hi Tricia...nice to meet you..." nagagalak kong wika.

"I think we met na before?" pahabol ko pa.

"malamang...sa wedding ni Katherine..." sabat naman ni Edong.

Siya nga. Siya nga yung babaeng naispatan ko noong ikinasal ang aking hipag. Hindi ako pwedeng magkamali, tama nga't marami ring mga babae noon sa piging, pero alam kong nag-iisa lang ang babaeng ito na talaga namang nangibabaw noon sa aking atensyon. Siya yung nakita ko, siya yung maputing babae na nagtanong pa nga kay Carina kung nasaan ang daan papuntang banyo. Si Tricia.

"ah oo nga hehe...I didn't know na you're with Edong..." medyo may duda ko pang tanong.

"ah yes, I saw you I think dun sa comfort room..."
 paliwanag naman ni Tricia.

Ang buong sandali ng pagpapakilala'y nagsilbing napakatagal. Parang huminto ang aking oras sa pagkilatis sa buo niyang katawan. Mula paanan niyang maputi, kasama pa ang kuko na may kulay ng itim, hanggang sa makinis niyang leeg at maamong mukha na para bang anghel sa lupa.

"so Bogs, are you in?" wika ni Edong.

"ha, ah oo...saan ba yung lote mo? kumpleto na ba papers?" sagot ko naman kaagad.

Ang pag-uusap naming lahat ay naging banayad naman, nagawa kong pigilan ang tawag ng aking laman. Inilahad ng mag-asawa ang kanilang pakay, sa madali't sabi'y ako na nga ang gagawa ng kanilang apartment.

"well, me and Tricia will be here sa Pinas for a while, mabilis naman matapos yan diba?" tanong ni Edong.

"oo, saglit lang yan...pero sa Canada pa rin ba kayo mag-stay?"
 tanong ko.

"maybe, maybe not...medyo hindi pa settled e...besides, we need some place to stay din while we are here, and at the same time, kumikita yung building" wika ni Edong.

Doon na rin naghapunan sa amin ang pinsan ng aking asawa kasama ang kanyang kabiyak. Nawala na sa isip ko yung plano dapat namin ni Angel na magsolo, natakpan na ito ng labis na paghanga ko sa babaeng kasama ni Edong. Tahimik itong si Tricia, laking Canada pero dito rin naman ipinanganak sa Maynila. Hindi kami direktang nag-uusap kanina, kadalasa'y pinapasabi niya ang nais sa asawa upang sabihin din sa akin. Shy type.

Sa kabilang banda, sa kabila ng aking paghanga sa taglay na ganda ni Tricia ay medyo nawalan na din ako ng gana. Hindi ko naman kasi akalaing asawa pa pala ito ng pinsan ni misis na mayabang din. Oo, swerte nga siya, inisip ko nalang, kuntento kaya ang asawa niya sa kanya.

"why don't you stay here nalang kasi insan? tutal established naman na kayo ni Tricia diba?" wika ni misis sa kanila.

"...I would love to insan, pero sa tingin ko kulang pa...alam mo na mahirap din buhay dito sa Pinas..."sagot naman ni Edong.

Tuwing magtatama ang mga mata namin sa harap ng hapagkainan ni Tricia ay napapangiti siya. Bagay na akin din namang ikinatuwa. Lumalim pa ang gabi, wala yatang balak umuwi ang mag-asawa naming bisita. Mabuti na rin, at least enjoy naman ako sa presensya ni Tricia. Hindi nagtagal ay nagkayayaan ang lahat na magkaroon ng munting inuman.

"no no, ako na, ako na bahala..." wika pa ni Edong.

Aba akalain mo, dati noon hindi mo ito maaasahang mauunang bubunot ng pera. Siguro nga naging successful siya sa buhay kaya't dapat lang naman na ibahagi niya kung anong biyaya meron siya.

"hihi! why don't you guys go na lang? both of you...sige na at mauubos oras natin kung hindi kayo magkakasundo kung sino ang taya" sagot ni Angel.

Sa isang iglap ay tila napawi ang dati kong pagtingin sa mayabang na pinsan ng aking asawa. Dahil kaya ito sa dala niyang bebot na maganda kaya ako'y interesado na sa buhay niya?

"so, Bogs, ano ba gusto mo inumin?" tanong ni Edong.

"uh, kahit ano okay lang sa akin..." sagot ko naman.

Hindi ko na nakitaan pa ng kung anumang yabang si Edong noong gabing iyon. Para bang nagkaroon ako ng bagong kaibigan. Pero hindi ko naman din inalis sa aking isipan na kaya lang ginagawa ito ni Edong ay dahil sa pabor na manggagaling sa akin. Malay ko ba kung gusto pala niyang maka-libre sa serbisyo ko bilang isang arkitekto.

Iniwasan ko rin na maging pabaya sa mga kilos ko. Habang nag-iinuman kami nila Edong ay hindi na ako nagpakita pa ng paghanga sa asawa niya. Ganun din para kay misis, alam kong pwede rin siyang mag-isip ng kakaiba sa akin. Hindi na ako umasa pa, hindi ko na inasahang makakaisa ako sa asawa ni Edong. Pampagana lang kung baga, dagdag imahinasyon para sa kantutan naming mag-asawa mamaya.

"teka nga insan, bakit ba wala pa kayong anak?"
 maintrigang tanong ni misis.

"hahaha! bakit? nagmamadali? may lakad?"
 pabirong sagot ni Edong.

"why not?" patuloy ni Angel.

Doo'y tinignan ko si Tricia, inalam ko ang magiging reaksyon niya. Kunektado naman kasi kahit paano diba, anak-buntis-seks. Dahil likas sigurong mahiyain ang asawa ni Edong, kaagad namula ang mga pisngi nitong maputla. Hindi na siya makatingin ng diretso sa akin, siguro hindi siya sanay sa mga ganitong usapan, lalo pa siguro kung ang usapa'y tungkol na sa kanyang kaselanan.

"in God's time..." wikang muli ni Edong.

"...e teka nga, diba halos limang taon na yung anak nyo? bakit hindi nyo pa sundan?" hirit naman ni Estong.

Dala siguro ng alak, eto na't humirit na ang aking asawa.

"well, depende kay Bogs yan hihi!" wika ni misis.

"bakit naman? mahina na yata itong bayaw ko ah...hehehe!" ayuda pa ni Edong.

Hindi ko pansin ang mga patutsada nila, ang atensyon ko kasi'y na kay Tricia. Pilit kong inaalam kung may ibang babae ba sa likod ng maamong mukha niya. Pero hindi ako nagtagumpay, boong gabi ko siyang pinagmasdan subalit consistent ang kanyang mga galaw. Dalisay at mayumi, parang hindi maka-basag pinggan.

"so paano insan...tutuloy na kami...Bogs..." paalam na ni Edong.

Hindi namin naisagad ang inuman, medyo malayo pa kasi ang uuwian nila Edong at Tricia at hindi uubrang masobrahan sa inom. Gustuhin ko man na magtagal pa sila'y hindi talaga maaari.

"oh sige, iingat kayo ha...Tricia sabihan mo yang hubby mo mag-ingat sa pagmamaneho" wika naman ng aking asawa.

"sure...thanks for the company...bye Angel...oh bye Bogs..."
 paalam naman ni Tricia.

Hindi naman ako na-zero noong gabing iyon, gaya ng aming naunsyaming plano, itinuloy pa rin namin ni misis ang aming pagni-niig. Yung nga lang, medyo mabilisan lamang dahil pagod na rin kami't inaantok na.


itutuloy

No comments:

Post a Comment