Part 14 Panauhing Pandangal
Mag-aalas sais na ng gabi nang magdatingan ang lahat, gabi kung saan itinakda ang aming pagtitipon. Maraming aktibidad mula umaga hanggang hapon, exhibit, seminar, at marami pang iba na kunektado sa aming propesyon. Masaya ang lahat, kumustahan, tsikahan, sa ilan ay pataasan pa ng ihi tungkol sa mga proyektong natapos nila. Ako nama'y palinga-linga lamang, bumabati sa ilan kong kakilala at kasabayan sa liga.
"well, well, well...how's my buddy?" bati sa akin ng isang lalake.
"oh hi pare, kumusta? hi Kristine..." bati ko naman sa kanila.
"oh, mag-isa ka lang?" tanong kaagad ni Estong.
"oo eh, may duty kasi si misis..." sagot ko naman.
Medyo nainggit pa ako sa kaibigan ko that night, siya kasi may kasama, ako wala. Hindi halatang nanganak si Kristine, naroon pa rin ang hubog ng kanyang katawan. Sa isip ko'y naglaro kaagad ang hindi ko inaasahan, naroong ini-imagine ko nang inaalok sa akin ni Estong ang kanyang asawa upang aking tikman. Gutom lang siguro ako, kung anu-ano na iniisip ko.
"tara pare, pwede na yatang kumain, medyo gutom na ko, join us na lang if you mind..." wika ni Estong.
"oh sure, sige" tugon ko naman.
Di tulad ng dati, medyo asiwa pa rin ako sa presensya ni Estong. Alam naman ng lahat kung ano ang pinakahuling nagawa niya, or nila, sa akin. Minsan nga naisip ko paano kaya kung sabihin ko sa asawa niya yung mga kalokohan niya?
Sa kabila nito'y naging mahinahon naman ang aming pagsasama, gaya ng napag-usapan namin dati, kukunin nga daw nila akong ninong para sa anak niya.
"maganda na yan para naman maging legal na magkumpare tayo..." wika ni Estong.
"oo nga naman pare...sana magkita-kita ulit tayo nila kumareng Angel..." sabat naman ni Kristine.
Medyo naasiwa ako sa mga binanggit na iyon ni Estong at ng kanyang asawa. Hindi ako sanay. Pero parang ayos na rin, ayon sa mga nababasa at napapanuod ko, magkumpare-kumare ay nagkakaroon ng tsansang magtikiman.
"maiwan ko muna kayo pare, magsi-CR lang ako" paalam ko.
Balak ko noo'y uuwi na sana ako. Kakain lang para sulit naman yung ibinayad ko sa registration, tapos ay uuwi na rin. Nagtagal lang siguro ako ng kaunti dahil nga nagkita kami ni pareng Estong. Pabalik na ako noon sa lamesa namin at magpapaalam na sana, pero isang bagay ang sa aki'y nakapagpanatili pa.
"Bogs?" tinig ng isang babae sa di kalayuan.
Sa aking paglingon ay hindi ko kaagad nakita kung sino ang tumawag sa akin. Pamilyar ang boses, pero hindi ko alam kung sino at nasaan ang tumatawag sa akin.
"aba suplado?" patuloy ng babaeng tumatawag sa akin.
Nanliit ang mga mata ko upang titigang mabuti kung sino nga ba ang tumatawag sa akin. Tama ba ang nakikita ko? Siya ba talaga ito? Hindi ko akalaing siya nga ang aking nakita at tumatawag sa akin.
"seriously?" wika ko.
"oo ako nga haha!" sagot niya.
Lumapit sa akin si Samantha. Hindi pa rin ako makapaniwala na nagbago ang itsura niya. Medyo pumuti siya, hindi ko alam kung ilang litrong gluta ang kanyang nagamit.
"wow. just wow. hindi kita nakilala ah?!" wika kong muli.
"sira! haha! alam mo naman ang lola mo, kaunting upgrade lang..." biro naman ng dati kong kasamahan.
"so how are you? how's everything??" masaya kong tanong sa kanya.
"all well and good...how about you?" sagot ko naman.
Halos humaba na ang aming usapan sa gitna ng hallway na aming kinatatayuan. Nalimutan kong may iba nga pala akong kasama. Gusto ko sana siyang yayain sa aming pwesto pero naalala kong si Estong nga pala ang aking kasama.
"are you alone? I mean, yung mister mo kasama mo?" tanong ko.
"ah hindi, wala siya..actually out of town...ikaw?" balik naman ni Sam.
"uhm, I'm with an old friend, architect din...pero he didn't came with me at first..so technically alone din hehe" sagot ko.
"so uhm, see you around?" wika niya.
"okay...nice to see you again Sam..." paalam ko pa.
Ako'y babalik na sana sa pwesto nila pareng Estong upang magpaalam. Uuwi naman na talaga ako at gusto ko na ring magpahinga. Hindi ko akalaing makikita ko noong gabing iyon si Samantha. Kaagad akong tumalikod muli upang kausapin siya.
"uhm Sam, actually I was about to go home na, ikaw, baka gusto mo sumabay?" tanong ko kay Samantha.
Ngumiti lang si Sam, tila alam niya ang pumasok sa aking kukote. Lumapit muli sa akin ang dati kong kasamahan, inilapit ang mukha sa aking tenga at bumulong ng may malanding tinig.
"saan mo ko dadalhin?" ani Samantha.
Sinabi kong sandali lang at magpapaalam lang ako sa kasama ko. Inabisuhan ko na lang siya na ang kasama ko'y kunektado sa aking asawa kaya't mas maigi na sa parking area na lang kami magkita. Sumang-ayon naman si Samantha.
"why don't you come with us after? let's have a drink?" alok pa sa akin ni Estong.
"...thank you na lang pare, maybe next time na lang..." palusot ko na lang sa aking kaibigan.
Gusto ko din sanang sumama kila pareng Estong katuwang ang seksi niyang asawa, malay ko ba baka mamaya e ialok na nga niya sa akin ang misis niya. Pero sa tingin ko malayong mangyari iyon, doon na ako sa sigurado at subok na.
Ako'y nagtungo kaagad sa parking area kung saan nakaparada ang aking sasakyan, tulad ng napagkasunduan, doon ko inantabayanan si Samantha. Mga ilang minuto rin akong naghintay, akala ko nga wala na siya.
Muli akong namangha sa aking nakita, mula sa loob ng sasakyan ko'y lumalakad papalapit si Samantha. Pinagmasdan kong maigi ang kanyang postura, ibang-iba na talaga sa noo'y nakilala kong Samantha. Noon ay may pagka-boyish ang mga kilos niya, ngayon nama'y banayad na banayad ang bawat inadayog ng kanyang balakang. Nang sipatin ko ang kanyang kargada, aba at parang lumaki pa ito kumpara dati.
"so...can I come in?" wika ni Samantha.
"sure..." sagot ko naman.
Nahiya pa ako sa kanya, ilang tahimik na hangin sa loob ng kotse ko ay nanaig. Kung dati ay parang barkada ko lang siya, parang nahihiya na ako sa kanyang presensya ngayon.
"Bogs...bakit parang hindi ikaw yan? parang ang tahimik mo?" tanong ni Sam.
"ah eh, wala naman...na-starstruck lang siguro ako" sagot ko.
"bolero! anu ka ba! ako pa rin ito" sagot niya.
"..ikaw pa rin ba talaga?" pahabol kong tanong.
"oo ako nga! hihihi!" patuloy ni Samantha.
"so um, kape tayo?" alok ko.
"tara!" masaya niyang tugon.
Unti-unting nanumbalik ang kumpiyansa kong kausapin si Sam. Tama nga siya, siya pa rin yung dati kong kaibigan. Siguro panlabas lang na anyo ang medyo nagbago sa kanya pero ang busilak niyang ugali ay naroon pa rin. Naisip ko tuloy, papayag pa din kaya siya na makatalik ko?
itutuloy
No comments:
Post a Comment